Screen-capped image mula sa YouTube video ng Raffy Tulfo in Action |
Kamakailan lang ay nagtrending sa social media ang pangyayari kung saan inakusahan ang isang matandang lalaki nang pang hihipo ng kapwa pasahero na isang babae na humantong pa sa pisikalan at pagkaka gulpi ng matanda.
Sumakay sa mini bus ang pasaherong si Alexander Gutal, 53 anyos, na inakusahan ni Dimple Morcillo, 21 anyos, na umano'y panghihipo sa kanya at lasing pa daw ito. Humantong pa sa barangay ang naging komprontasyon.
Tunay na pangyayari, lumabas
Dahil sa sinapit ni Gutal, hindi napigilan ng anak nitong si Xian na iupload sa Facebook ang kuha ng CCTV sa loob ng mini bus na sinakyan ng ama- kung saan makikita ang tunay na nangyari.
Sa kuha ng CCTV, kitang-kita na hindi nahawakan ng matanda o nadikitan man lang si Morcillo, sa halip ay mukhang na out of balance ito pero naka kapit pa sa hand rail ng sasakyan. Sa bandang huli, makikita sa video na may mga lalaking tumulong kay Morcillo na tila ba mga kakilala nito.
Pasa at galos ang inabot ng kaawa-awang matandang lalaki sa kamay ng mga kamag-anak ni Morcillo sa barangay na pinagdalhan dito.
Ang harapan ng dalawang panig
Upang makamit ang hustisya, lumapit ang mag ama sa tanggapan ni Raffy Tulfo kung saan pinag harap si Gutal at Morcillo.
Kasamang pumunta ni Morcillo ang kanyang ina sa studio ni Idol Raffy upang makiusap na rin kay Gutal na iurong ang demanda laban sa anak.
Sa naging paghaharap, inamin na din ni Morcillo na nagkamali lamang siya sa pag-aakusa kay Gutal. Ngunit iginiit niya rin na nabahala lamang siya dahil amoy alak umano ang matandang lalaki na mariin namang itinanggi ng huli.
Sinabi rin ng mga pulis at isang opisyal nag baranggay na hindi naman daw nakitaan ng kalasingan si Gutal.*
Humingi ng tawad at awa
Nag makaawa at humingi ng tawad si Morcillo pati na ang ina nito ngunit buo na ang pasya ni Gutal na sampahan ng kaso ang babae.
Ayon kay Morcillo, sana'y kaawaan umano siya dahil nabigla lamang siya sa mga pangyayari at may anak din umano siyang maliit pa. Idinagdag niya rin na pagod lamang siya dahil kagagaling lang ng trabaho.
Kuha mula sa CCTV footage ng mini bus |
Paulit ulit siyang nakiusap sa matanda na iatras ang kaso dahil napaka bata pa umano ng anak nya kung siya ay makukulong.
Sinabi naman ng anak ni Gutal na nasa kanyang ama ang pagpapasya kung patatawarin ba si Morcillo. Sinabi rin nito na hindi man lang din naisip ng ama at kaibigan ni Morcillo na kaawaan ang matandang lalaki na ika-ika pang mag lakad.
Humngi rin ng tawad kay Gutal ang ama ni Morcillo at nadala lang din umano siya nang pangyayari.
0 Comments