Atong Ang, nagpahayag na ng tunay niyang relasyon kina Nicole, Gretchen at Claudine Barretto

Atong Ang and the Barrettos/photo courtesy of Bilyonaryo


Nagbigay na ng pahayag ang negosyateng si Atong Ang, matapos madawit sa pag-aaway kamakailan ng mga magkakapatid na Barretto at iba pang mga kamag-anak nito.

Dahil sa pisikalang pag-aaway ng magtiyahing Nicole at Gretchen sa burol pa mismo ng Ama ng mga Barretto at sa presensya pa mismo ng Pangulong Duterte kung saan nais sana pagbatiin ang sigalot ng magkakapatid.



Sa kabila nito, nagpahayag si Nicole sa kanyang Instagram at inakusahang inagaw lamang ng tiyahing si Gretchen ang kanyang boyfriend noon na si Atong Ang sa kanya.

Agad naman itong sinagot ni Gretchen at sinabing si Nicole ang nang-agaw kay Ang mula sa kanilang bunsong kapatid na si Claudine.

Sa panayam sa ABS-CBN News sa negosyateng si Atong Ang, nilinaw ng negosyante ang kanyang tunay na relasyon sa bawat isa sa kanila.



Pahayag ni Ang, nagtra-trabaho sa kanya noon si Nicole at ang nanay nito. Samantalang, Business partner naman daw niya si Gretchen at minsan niyang natulungan si Claudine sa kanyang personal issues.

"Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkakasama kami nang mommy niya. Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen.” sabi ni Atong.

"Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino. May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.“



"Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen. Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.”

"Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro --'yun lang ang naging relasyon namin.

Ayon pa sa negosyante, pinag-aral niya noon si Nicole at malapit naman sa kanyang asawa si Gretchen.


"Si Nicole, pinagaral ko 'yan, ang nagtrabaho sa akin 'yung nanay niya. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko."

Sa naunang ulat, pinabulaanan ni Gretchen ang pamangking si Nicole matapos niyang magbahagi ng kanyang bersiyon ng nangyaring gulo sa lamay.

Hanggang sa mga sandaling ito, marami ang nag-aabang sa mga susunod na mangyayari sa bangayan ng magkakapatid na sina Marjorie, Gretchen at Claudine.



Ang mga Barretto ay sikat sa mundo ng showbiz dahil sa husay nila sa pag-arte at angking kagandahan. Si Claudine Barretto ay minsan ding naging isa sa pinakahinahangaan na leading lady ng soap opera sa Kapamilya network.



Ang nakakatandang Barretto na si Gretchen ay sikat na leading lady mula 90’s at naging recording artist din ito. Kilalang Duterte supporters ang mga Barretto.



Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments