Agaw pansin na video ng isang magandang babaeng 'kargador', Viral sa social media

Photo courtesy of Youtube



Mabilis na sumikat ang videong isang magandang babaeng  full-time transporter o kargador sa Hong Kong.

Kinilala ang nasabing kargadora na si Zhua Qianpei, mula Hong Kong, at nagtatrabaho siya sa isang alley shop kung saan pinili nyang maging full-time transporter o kargador.



Hindi naman makapaniwala ang mga nakakakita sa kanya na ganoong klaseng trabaho ang kanyang pinasok sa kabila nang pagiging isang babae nya.

Makikita sa video kung paano nya ginagamoanan ang trabaho nya ng buong liksi, kayang-kaya nyang magbuhat ng marami na tila isang lalaki.




Hindi raw alintana sa kanya ang trabahong ito dahil nagsisilbi itong workout na rin niya.



Ayon sa balita ng KAMI, kapansin-pansin ang ganda ni Zhua. Katunayan, marami pa nga raw ang lumalapit para makipag-selfie  sa kanya. Inakala pa ng ilan na talagang artista si Zhua, dahil sa talagang maganda ito.

Ayon sa The Recovery Crate, mahigit sampung taon nang nagtatrabaho si Zhua bilang kargador. 

Ayon pa kay Zhua, hindi daw talaga madali para sa isang babae ang maging isang kargador, tulad ng napili nya.



Sa panayam sa kanya ng Dimsum Daily, “I’m the happiest when I’m delivering stuff,” wika ni Zhua.

Nakakatuwa ding isipin na sa kabila ng hirap ng trabaho ng isang kargador, malaki naman daw ang kanyang kinikita sa trabahong ito.

Umaabot ito ng HKD13,000 hanggang HKD14,000 o nasa ₱86,000 hanggang ₱125,000 sa isang buwan depende sa bigat ng kanyang nabubuhat.



Labis na nagtaka man ang ilang netizens kumbakit mas pinili ni Zhua ang ganitong trabaho, ngunit nang kanilang malaman na ganito pala kalaki ang kinikita nito, naisip nilang kahit sino nga naman ay papasukin ang trabahong may ganitong pasweldo.


May planong ng kumuha ng delivery truck si Zhua, upang mapaghandaan ang kinabukasan at alam niyang di panghabang- buhay ay may lakas siya upang gawin ang ganitong klase ng trabaho.



Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments