Regine Velasquez/photo courtesy of abs-cbn and UNTV |
Dahil sa tindi at bigat na kinakaharap sa problema ng
trapiko sa ating bansa, kung anu-ano ang naiisip na solusyon ng ating mga
kababayanan para maibsan ang trapiko na araw-araw na lang nating iniinda.
Isa na rito, ay ang Asia’s Songbird, Ms. Regine Velasquez na
nagbigay ng kanyang mungkahi sa pamamgitan ng kanyang Twitter page.
Sabi ni Ms. Regine sa kanyang Twitter post: "...bakit
kaya hindi I try ng mga kumpanya na iba ibang oras ang labas ng mga tao. Para
sa ganon medyo gumaan ang traffic..."
Dagdag pa niya sa kanyang tweet: "Kaya lang ang dami nila ano yun pag uusapan ba nila?? o bawat
lugar ba??? Ay ewan #lalang"
Dumagsa naman ang samu't-saring reaksyon ng mga netizens
dahil dito.
“Kung ginawa lang po
cguro na same ang sahod or rate ng manila at province baka sakaling mabawasan
ang tao sa Manila bawas traffic din.”
“the best way really is to decongest Metro
Manila. Each province should have at least one major hub, where there are equal
opportunities, with equal rates. Then let’s fix & upgrade public transport
all throughout the country. @mmda @DPWHph @DOTrPH @doleph”
epts.na nga ate. Sana
ganyan talaga! Pati off na din”
“Home based na lang
sana sa mga bpo/call centers, etc. Supporting epts. with clerical works like
bookkeeping, accounting, leasing, engg, etc pwede naman hindi everyday nasa
office. Manufacturing lang naman talaga ang kelangan nasa planta tsaka nurse at
security.”
“Magandang idea po yan. Kaya lang po kasi may mga night differential na
nasa batas na sa palagay ko isa po yan sa iniiwasan nila. Dagdag expenses po
para sa kanila. Ang maganda po nyan talaga mag zipline nalang sa Edsa. Charot
lang. kanta ka nalang po ng ‘cool ka lang’”
“Not just private
companies, even government offices. By doing 3 shifts, not all workers
will rush to work. Dividing the workforce into 3.”
Si Regine Velasquez, kilala sa mundo ng local showbiz bilang
“the Asia's Songbird” na dating Kapuso superstar at ngayon ay
isa ng ganap na Kapamilya.
Ang kanyan kabiyak na si Mr. Ogie Alcasid ay isa ring
multi-awarded artist at ngayo’y makikita na rin sa ASAP ng ABS-CBN.
Source: KAMI
0 Comments