Jair Ugto / photo courtesy of the Filipino Times |
Kamakailan, Isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Dubai ang
nakapagmulta ng Dh300 o nasa ₱4,000 dahil lamang sa pag-idlip habang nag-aabang
ng tren.
Napabalita ng isang reporter ng the Filipino Times na si
Neil Bie, nakita ang OFW na si Mr. Jair Ugto sa CCTV ng Dubai Metro na
natutulog.
At sa di inaasahang pangyayari, agad siyang nilapitan at ginising
ng guwardiya, at pinagmulta ng nabanggit na halaga.
Ayon kay Jair, Lingid sa kanyang kaalaman na ipinagbabawal
pala sa Dubi Metro ang matulog.
Aniya dala lamang ng matinding pagod, kaya napapikit
at napaidlip siya.
“Naka-idlip ako dahil
sobrang pagod sa trabaho. First time pong nangyari sa akin to,” kwento pa ni Ugto sa isang panayam.
Dagdag pa ng OFW, mahigpit pala ang seguridad sa lugar at
aktibo bente-kwatro oras, pati na rin ang nagmomonitor nito sa CCTV.
Nais ni Jair na maging babala raw sana ang kanyang karanasan
sa mga kapwa niya OFW sa Dubai at laging sumunod sa panuntunan ng Dubai Metro, upang
maiwasan ang multa na may kalakihan ang halaga.
“Wag matulog habang nasa metro
dahil online sila sa CCTV,” paalala ni Ugto sa kapwa pinoy sa Dubai.
Isang freelance stylist si Jair Ugto sa United Arab Emirates, at walong
taon nang nagta-trabaho roon, ngayon lamang nya nalaman na bawal pala ang matulog sa
Dubai Metro.
Source: KAMI
0 Comments