Lalaking motorcycle rider, agaw-atensyon sa kanyang Hello Kitty collection

Collage photo from Facebook


Dahil sa kanyang kakaibang collection at hilig, nag viral ang lalaking motorcycle rider na si Mark Lansican mula sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ibinahagi sa ulat ni Jay Dayupay ng ABS-CBN News ang kwentong ito ni Mark may mahilig mangolekta ng Hello Kitty designs.



Mula sa kanyang motor, hanggang sa kanyang kwarto, puro Hello Kitty designs ang makikita mo.
Ayon kay Mark, 34, nagsimula ang kanyang hilig sa sikat na Sanrio character na ito nang makaisip siyang  gawing mas kapansin-pansin ang kaniyang motorsiklo.

At dahil din dito, kinukwestyon ng iba ang kanyang kasarian pero para sa kanya, hindi sukatan ng pagkalalaki ang kulay ng motor.

“Bahala na ano [man ang] sabihin ng iba. . . . Hindi naman nasusukat ang pagkalalaki sa pink na motor, kuwarto at hello kitty collections," pahayag ni Mark



Iba-iba naman ang mga naging reaksyon ng mga netizens sa post na ito:

“Pwede skin nlng kwarto mo kuya Para hindi na ako mag collect ng hello Kitty meow... “

 Oha oha.Ang totoong lalaki mahilig sa pink

Style nya lng.. Yan pra mka lure ng madaming p bebe n chix


“Hajaja actually hello kitty is for girls only ! But, pwede namang pang attract nya lang yan sa mga girls o kay papansin Pero kung ang room nya ay puro hello kitty at pink talaga ! Aminin nya na na bakla sya. What’s wrong kung bakla sya. Wag nya lang ipagpilitan mag toilet sa pambabae

 “Real men wear pink 😂😂 wag lang mag si-cr sa ladies room hahaha”






Post a Comment

0 Comments