Idol Raffy, nanlumo sa kalunos na lagay ng babaeng pinaghahampas ng tubo ng live-in partner





Kasalukuyang nasa kritikal pa rin lagay ng biktimang si Danica Nuñez sa ospital na ayon sa kapatid nitong si Danielle Nuñez ay mas lalo pang lumala.

Si Danica ay hinampas umano ng tubo sa ulo at katawan ng kanyang ex-boyfriend na si Ryker Grieco Shafer.



Ayon sa kapatid ng biktima, hindi daw umano matanggap ng suspek na ayaw na itong balikan pa ng kanyang ate kaya mas gusto daw nito na walang makinabang kay Danica.

Isa rin sa tinuturong dahilan kung bakit nagawa ni Ryker ang karumal-dumal na krimen na ito ay dahil umano sa droga.

Ipinanawagan ni idol Raffy Tulfo na ipagdasal si Danica na lumalaban pa rin para mabuhay at malampasan ang pagsubok na ito.



Sinabi din ni Danielle sa kanyang panayam kay idol na delikado talaga ang lagay ni Danica dahil na diagnose rin ito na may pneumonia at nagkaroon na rin ng tubig ang kanyang utak.

Kaya naman, di mapigilan ni idol Raffy ang manlumo sa kalunos-lunos na kalagayang ito ni Danica.

Nagbigay naman ng update si Danielle na nasampahan na ng kaso si Ryker para ma-isyuhan ito ng warrant of arrest.



Nangako naman ang program ng Raffy Tulfo in Action na patuloy na tututukan ang kaso ni Danica at magbibigay rin ng update muli.






Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments