52-anyos caregiver sa California, umuwi sa Pinas para i-Tulfo ang nanlamig na 26-anyos na GF

photo collage from Raffy Tulfo in Action 


Isang 52-anyos na balikbayan na caregiver mula sa California ang umuwi ng Pilipinas para ipa-Tulfo ang kanyang 26-anyos na nobya na bigla daw nanlamig sa kanilang relasyon.

Ayon kay Ferdinand Gomez, nakilala niya si Innah Esmero sa pamamagitan ng social media at kalaunan nga ay naging magka relasyon sila.



Kwento rin ng balikbayan, umuwi siya noong February at nag propose kay Esmero. Binigyan nya din umano ito ng engagement ring na nagkakahalagang P60, 000.

Nakatakda sanang magpakasal si Gomez at Esmero sa darating na November ngunit bigla daw nanlamig ang huli at nakipag hiwalay pa.

Nadiskubre din daw ni Gomez na may ibang nobyo na si Esmero kaya hindi na niya kinausap ito at sa halip ay humingi nalang sya ng tulong sa tanggapan ni idol Raffy.



Nais ni Gomez na bawiin ang halagang naibigay nya sa nobya na may mahigit P300,000 pati na ang engagement ring.

Nakipag usap naman si Esmero sa telepono ngunit itinanggi nito ang paratang ng nobyo at sinabing kaibigan lang niya ang lalaking itinuturong third party sa kabila ng mga larawang nakita sa social media.

Ayon naman kay idol Raffy, masakit ang ginawa ni Esmero dahil hindi biro ang magpakahirap sa ibang bansa upang magtrabaho.



Sa harap ni idol, naiyak pa si Gomez dahil ayon dito nagtiwala siya sa nobya at sinuportahan pa niya ito.

Kwento pa nito, lahat ng kaya niyang ibigay para sa nobya ay ibinigay niya kahit pa nga hindi sang-ayon ang kanyang mga anak dito.

Nakatakdang pumunta sa Davao sina Gomez sa pamamagitan ng programang Raffy Tulfo in Action para harapin si Esmero.


Nangako din si idol na tutulungan nya ang balikbayan para makipag ayos sa mga anak nito.






Post a Comment

0 Comments