Yan ang Pinoy! Mag-asawang OFW sa Saudi Arabia na nagsauli ng bag na may malaking halaga, binigyan ng papuri.

Compiled photo from Kami and google (ctto)



Jeddah, Saudi Arabia - Muli na namang nagpakita ng kahanga-hangang katangian ang ating mga kababayan sa ibang bansa, particular sa Saudi Arabia kung saan ay daang libong mga OFWs ang naghahanap buhay doon.

Kamaikailan ay napaulat ang mag-asawang OFW sa Jedah, Saudi Arabia, dahil sa kanilang angking kabutihan, at katapatan. Sila ay binigyang parangal ng ating embahada sa Saud Arabia dahil sa pagsauli sa may-ari ng nakita nilang bag na naglalaman ng halagang P500,000.00.



Ayon sa mag-asawang sina sina Roberto at Farida De Guzman, paalis na daw sila sa isang parking lot sa Jeddah, nang may napansin silang isang bag.

Kanila itong nilapitan upang tingnan ang laman ng bag, laking gulat ng mag-asawa ng madiskubre nila na ang laman ng bag ay mga pera na nagkakahalaga ng 40,000 Saudi Riyals o P500,000.00.

Unang sumagi sa kanilang isip na huwag na lang isauli ang bag, dahil sa hirap ng buhay bagaman silang mag-asawa ay parehong nagtatrabaho bilang OFW.



"Sa hirap ng buhay ngayon, naisip namin 'yun dahil kailangan namin ng pera. Kung hindi namin nakita ang identity card ng mama, hindi namin isosoli kasi hindi namin alam kung saan namin dadalhin iyon," ayon kay Roberto.

Kalakip ng pera ay mayroon din itong lamang mga IDs na pagkakakilanlan sa may-ari ng bag na isang Saudi national. Kaya nagawa nila itong isauli sa may-ari.

Kaagad silang nakipag-ugnayan sa taong nasa ID upang maibalik na ang bag at mga laman nito.

“Parang hindi namin maintindihan, parang lumulutang ka sa ere, hindi ko maisip na ganito pala ‘pag nakatulong ka… ‘pag naisoli mo ‘yung nakuha mo. ‘Yung nerbiyos ko nawala na nang naibigay ko na,” sabi pa ni Roberto.



Pinakalooban ng certificate of appreciation ng Philippine Consulate General sa Jeddah ang mag-asawang Roberto at Farida De Guzman, matapos nilang ibalik ang bag na may lamang 40,000 Saudi Riyals, sa may-ari na isang Saudi Natioanl.

"Half a million pesos 'yan, 40,0000 Saudi Riyals, ang napulot ng mag-asawa. Mahirap ang buhay, pero sa kabila noon ay nakita pa rin ang katapatan ng mag-asawa na talagang nakaka-inspire," sabi ni Consul General to Jeddah Edgar Badajos.

Pinuri naman ng may-ari ng bag ang lahat ng mga Pilipino na masayang-masaya na naibalik sa kanya ang kanyang pera.  


“Philippines is a great country and the people, they are great people,” sabi nito.

Ayon samay-ari, nakalimutan niya na naipatong nya ang kanyang bag sa ibabaw ng sasakyan.



Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments