Senators Manny Pacquiao and Franklin Drilon / File photo from Inquirer |
Tila nakaisang knockout si Senador Franklin Drilon kay boxing-champ
at Senador Manny Pacquiao sa isang debate patungkol sa death penalty na
isinusulong ng huli.
Sa isang privilege speech ni Pacquiao, nag lecture si Drilon
patungkol kay Jesus Christ na umano’y biktima ng “wrongful execution”.
Ayon naman sa boxing champ, bagama’t “irreversible” umano
kapag nahatulan ng kamatayan ang isang akusado, mahalaga rin na pagkatiwalaan
ng mga Pilipino ang justice system, ang gobyerno at ang law enforcement para sa
peace and order ng bansa.
“The most important thing is we have to trust our authority,
which is the government,” ani Pacquiao
Samantala, giniit ni Drilon na hindi aniya matatawaran ang
kaalaman at ang desisyon ng mga judge, pero tao lang umano ang mga ito na
maaari ring magkamali.
“Would the gentleman agree, if death is imposed, death is
irreversible? There’s no question, we trust our authorities… we trust our
colleagues that they would decide with our conscience, but all of us are
fallible, we can commit mistakes,” saad ni Senate Minority Leader Drilon
“It can happen Mr. President. There is no one perfect in
this world.” Sagot naman ni Pacquiao
Giit pa rin ni Drilon na lahat ng tao ay nagkakamali, at sa
kasaysayan, iisang tao lamang ang maaring di magkamali. Tinanong pa nito si
Pacquiao kung sino ito at sinagot naman ng huli na ito ay si “God”.
“It’s Jesus Christ. And yet Jesus Christ was a victim of
wrongful execution. Is that correct Mr. President?” ayon uli kay Drilon
Ngunit hirit ni Pacquiao, mahirap umanong isama ang nangyari
kay Jesus Christ dahil ang kanyang pagkamatay ay para sa kaligtasan ng sanlibutan.
Ngunit nang nagtanong muli si Drilon kung tama ba ang naging
execution kay Jesus Christ, namagitan na si Senate President Vicente “Tito”
Sotto III upang dumepensa kay Pacquiao.
“Perhaps, what the gentleman means is that the redemption
would not have been possible if Jesus did not die on the cross…” Ani Sotto
1 Comments
Sa sinabi nga ni sen pacquiao na bkt ung ibang mga proyekto na makakabuti nman sa bansa ay kinokontra ng ilang nasa posisyon e para nman sa bansa ung gnagawa pra mabawasan ung kredebilidad dto sa bansang pilipinas. Kasi habang tumatagal lalong nggng wild tayong mga pilipino. Isa pa pinapasok tayo ng mga dayuhang mas halang ang kaluluwa sating mga pilipino kasi nga dto mas malaya slang gawin na hindi sla mananagot at ung iba na my kayang gumawa ng krimen na kayang laparan ng papel at silay abswelto na. Ito ay pra mabawasan ung mga naninirahang ngng sanggano na dto sa bansa. Pra mas mgng matalino sla na bago sla mgdecide sa katapangan o kawalang takot sa batas kung anong kawalang kaluluwa nanaman gagawin nla mapapaisip muna sla na ayy teka d na pwede dati kong galawan ngayon kasi bka pag sumabit paktay nako nito, bka ito na mgng katapusan ko. O khtt dun sa mga galamay nya na gumagawa pra sa papel dba nga pra sa papel kht ano pa yan kht pagkuha ng buhay ng my buhay dba? Nuon tlagang takot sla sa batas d lng sa paggalang kuno sa batas kundi talagang takot sla sa batas dhl sa kamatayan ang kabayaran. Pro wag nman sana maabuso, kya nawala ang death penalty kasi ung mga nsa posisyon o matataas na tao ung nggng protektor, kht pa nga NOON, na sla ang dpat na nsa silya elektrika na tinatawag ung nakaupo hindi ung mga naiididiin lamang dhl sla ay mahirap na wlang magawa kundi mgpaalipin na lamang dhl sa takot na pati pamilya nla madamay =( sana maayos nyo na po ito. God bless you all
ReplyDelete