Isang baguhang politiko ang
sangkot ngayon sa kontrobersya di pa man nagsisimula ang sesyon sa Camara sa
Hulyo 22.
Ang nasabing politiko ay
walang iba kundi si ‘Ang Probinsyano Party-list
Rep. Alfred Delos Santos’na nahuli sa CCTV
ang ginawang panununtok nito sa isang waiter sa isang restaurant nuong nakaraang
Hulyo 7, sa Legazpi City, Albay.
Mapapanuod sa kuha ng CCTV, na nagkaroon ng masinsinang
usapan o pagtatalo si Delos Santos at ang isang service crew sa restaurant sa
Legazpi City, Albay.
Maya-maya pa ay makikita na biglang tumayo ang kongresista,
na nakasuot ng itim na pang-itaas, sabay sinapak ang mukha ng waiter dahilan
para matanggal ang suot nitong sombrero.
Wala nang nagawa ang pobreng waiter kundi magmukhng tanga at di
na lmang umalma sa ginawa sa kanya ng kongresista.
Makikita mismo sa sa gilid ng CCTV camera ang oras at petsa
ng nangyaring kumosyon. ang kuha sa camera, makikita na naganap ito noong
Linggo, Hulyo 7, bandang alas-8:52 ng umaga.
Ayon sa pa sa source, nagkainitan umano si delos Santos at
ang crew matapos na hindi nito makilala na kongresista Ang Probinsyano 1st
nominee ng kanyang kausap.
Nagpa-blotter umano ang empleyado ng restaurant ngunit
sinabihan ng awtoridad na isang kongresista ang binangga.
0 Comments