Nahaharap sa isang large-scale estafa ang taong nasa likod
ng QuestLink Digital Marketing Services, na isang investment scheme sa Tagum
City.
Ayon sa ulat ng RMN Ph, lumapit na sa kapulisan ang coordinator/ahente
na si Christian Etabes, 23-anyos, taga Surigao City matapos na pagtaguan ng Chief
Executive Officer (CEO) ng Questlink na si Kenneth Paz Nagas, taga Quezon City.
Kinumpirma umano ni Police Captain Anjanette Tirador, ng
Tagum City police na under lookout na si Nagas matapos maghain ng reklamo ni
Etabes na nakapag pasok ng P209 million mula sa mga nalokong investors.
Sinabi rin ni Tirador na nagsimula ang Questlink sa Tagum
nitong June 1, 2019 lamang kung saan ay nangako ng 500% na tubo sa mga investors
sa loob lamang ng labinlimang araw.
Dagdag ng opisyal ng Tagum police, wala umanong pisikal na
opisina ang Questlink at ang mga investors ay tumatanggap ng kanilang mga
payout sa pamamagitan ng kanilang mga ahente.
Ang mga investors ay nakatakda sanang tumanggap ng kanilang
unang “payout” sa susunod na linggo.
Ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa
Davao del Norte ay kasalukuyan namang naghahanda ng complaint affidavit ng mga
nalokong investors.
Hinikayat din ni Tirador na lumantad ang iba pang nabiktima
ng nasabing scam upang makapag sampa ng kaukulang reklamo sa Questlink.
Ang mga naghain ng reklamo ay gagamiting state witness at
sasailalim sa isang witness protection program.
Kamakailan lang ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police-Criminal
Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na isara ang kompanyang sangkot
umano sa pyramiding scam, katulad ng Kapa-Community Ministry.
“To the CIDG, the police, the special investigating teams
including NBI, that is pyramiding. That is why you shut them down and haul them
to courts upon my orders,” anang Pangulo.
Ang mga sangkot umano sa investing scam ay manloloko dahil pinapaasa
ang mga tao sa kanilang ginagawa at nangangakong magbibigay ng malaking interes
kapag naglagak ng malaking halaga.
Source: RMN ph
0 Comments