Ganun lang yun? Lacson disappointed: Duterte left us heartbroken on WPS ship collision




Image from Google (ctto)


Kamakailan ay nagpahayag ng pagkadismaya si Senator Ping Lacson ukol sa reaksyon ni Pangulong Duterte sa insedenteng banggaan ng dalawang sasakyang pandagat ng Tsina at Pilipinas.

Ayon kay Lacson, marami naman pa naman daw ibang paraan para maresolba ang nasabing insidente ng banggaan sa Recto Bank bago sumuko sa nasabing problema.



Labis na pagkadismaya ang naramdaman ni senador Lacson dahil sa pahayag na ito ng Pangulo ng sinabi nya na,

Pero ‘yang nangyari diyan sa banggaan, that is a maritime incident.  ‘Wag kayong maniwala sa mga politiko na bobo, gusto papuntahin yung Navy. You do not send gray ships there. Banggaan lang ng barko ‘yan, do not make it worse,” pahayag ng Presidente.

Para kay Lacson, ang mga binitawang mga salita ng Pangulo ay labis na nakakadismaya bukod sa nakaka-insulto ito dahil na rin sa sinasabing, wala tayong kakayahan ipaglaban ang ating nasasakupan. Ngunit maaari naman nating gamitin ang Mutual Defense Treaty (MDT).

Ang Mutual Defense Treaty ay ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, kung saan, ang dalawang nasabing bansa ay magtutulungan o magbibigay ng suporta sa isa’t isa sa oras na may manggigipit o aatake sa sinoman sa kanila.

"The president broke his silence and left us heartbroken,” Komento ni Lacson sa kanyang Twitter account.



“He forgot to explore all resources available before exercising his last option of surrender. The MDT is one yet untapped weapon,” dagdag pa ng Senador.

Paliwanag pa ni Lacson, hindi naman sa nagpapahiwatig sya na maaaring magsimula ang ikatlong digmaang pandaigdig dahil sa naganap na banggaan sa nasabing mga barko.

“I am not suggesting WW3 but at least it can make China feel the balance of power in the WPS,” Ani ni Lacson.

Matatandaan na nagbigay ng pahayag si US Secretary of State Mike Pompeo, na kung saan ang Amerika at Pilipinas ay may obligasyon na nakasaad sa Mutual Defense Treaty.



“to respond accordingly if a vessel belonging to either party, military or civilian is attacked in the West Philippine Sea which according to him is within the area of the Pacific.” Ayon kay Pompeo.


Source: Politiko


Post a Comment

1 Comments

  1. How did this idiot Lacson become a senator? He does not even mention the fact that the incident happened in the middle of the night when visibility is almost zero? Accidents do happen and the only senator who made a useful comment was a dilawan, Drilon who said, accident or intentional is beside the point. What matters is that the Chinese boat did not help the crew of the PHL fishing boat (NOT ship).

    If or when Lacson becomes president of the PHL, I would really love to see him ask for the help of the Americans through the MDP. Lacson is so naïve, he still thinks the US will help the PHL, not by a long shot, Mr senator. The US will help any country if it for their own good. Right now the US going to war with China is very slim.

    ReplyDelete