Breaking it down! Bilang gold medalist, magkano nga ba ang mga incentive na natanggap ni Hidilyn?





Kamakailan lang ay naging laman ng mga balita ang Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz matapos nito manawagan ng tulong pinansyal sa social media.

Si Hidilyn ay nag post sa kanyang Instagram story na may panawagan sa kanyang mga followers ng tulong para sa kanyang paghahanda sa darating na Tokyo Olympics sa 2020.



"Is it okay to ask sponsorship sa mga private companies towards Tokyo 2020?" ayon kay Hidilyn sa kanyang post

“Hirap na hirap na ko, I need financial support. Sa tingin niyo okay lang kaya, nahihiya kasi ako pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa atin bansa na maiuwi ang Gold Medal sa Olympics.” Dagdag niya

Matapos nito, agaran namang nagbigay ng pahayag ang Philippine Sports Commission (PSC) na hindi ito nag kulang ng suporta para sa atleta.

Ngunit magkano nga ba ang gastos ng atletang tulad ni Hidilyn para ipagpatuloy ang naturang sport?
Sa isang report ng Philstar ay naka detalye ang mga natanggap ni Hidilyn simula ng kanyang pag kapanalo noong 2016 pati na ang mga allowances, incentives na kanyang natatanggap.*

Alinsunod sa RA RA 10699, si Hidilyn ay tumanggap ng P5 milyon bilang incentive sa kanyang naiuwing silver medal noong Rio Olympics.



May P3 milyon din siyang natanggap mula sa gold at silver medals na kanyang nakuha sa Asian Games taong 2017 at 2018.

Maliban dito, may mga nagbigay pa ng bonuses sa kanya tulad ng P2 milyon mula kay Pangulong Rodrigo Duterte at mula kay senator Manny Pacquiao na hindi na pinasabi ang halaga.

Ang Philippine Ambassador sa Indonesia na si Lee Hiong Wee ay nagbigay din para Hidilyn  ng P1 milyon.

P3.5 milyon na halaga naman ang award na natanggap ng atleta mula sa POC at iba’t ibang organizations pati na ang ilang local government units.*



Hindi naman malinaw kung ang halat ng ito ay natanggap ni Hidilyn na buo.

At bilang isang manlalaro, si Hidilyn ay may P45, 000 na buwanang allowance mula sa PSC. Siya din ay tumatanggap ng P32,756 na buwanang sweldo bilang isang airwoman sergeant.

Bahagi ng suporta ng PSC ay ang pagbibigay din sa kanya ng foreign coach, at pagpapagawa ng gym sa kanyang hometown sa Zamboanga.

Mahirap bigyan ng figures kung magkano ba talaga ang maaring gastusin ng isang manlalaro na tulad ni Hidilyn,ngunit ayon sa estimate umano ng The Billfold, maari itong humigit ng P33,000 sa isang buwan.

Hindi pa kasama dito ang travel expenses na maaring umabot sa P50, 000 kada trip. Sa loob ng isang taon, maaring magkaroon ng 4 o 5 pag alis.



Mayroon din umano pang bayarin tulad ng entry fees kapag may laro pati na ang bayad sa mga staff.
Dahil dito, maaring hindi rin madali para kay Hidilyn ang kanyang paghahanda sa susunod na laban para makapag uwi muli ng karangalan para sa bansa.



Source: Philstar 





Post a Comment

0 Comments