Matapos ang pag papa interview at pag iyak ni Olympic silver
medalist Sgt. Hidilyn Diaz sa media kahapon, Huwebes, bilang isang sundalo, ay nakatanggap
siya ng lecture at paalala mula sa kilalang court martial lawyer na si Atty.
Trixie Cruz-Angeles.
Si Diaz ay pumasok sa Armed Forces of the Philippines taong
2013 sa pamamagitan ng Direct Enlistment Program. Matapos ang kanyang pagka
panalo sa 2018 Asian Games, siya ay na-promote bilang Airwoman Sergeant.
Dahil dito, may paalalang pinaabot umano sa kanya ang
kanyang mga kasamahan bilang sundalo sa pamamagitan ng post ni Atty. Trixie.
“nais ipaabot sa iyo ng ilan sa mga myembro ng Hukbong
Sandatahan Ng Pilipjinas, (active and retired) ang konting paalala. Bilang
sundalo, may proseso para sa mga reklamo tulad ng ginawa mong video. Alam ninyo
ito. Hindi po isinapupubliko ng isang sundalo ang mga ganitong hinaing.” Ayon
sa isang Facebook post ng abogada
Binigyang diin din ni Atty. Trixie na bilang
Commaner-in-Chief, kailang respetuhin niya si Pangulong Rodrigo Duterte at ang tanggapan ng AFP.
“Pinaalala ko naman, na bilang sundalo, commander in chief
nyo po si Pangulong Duterte. At kailangan respetuhin ang tanggapan nito. Itong
tanggapan ang lumagap ng intel reports kung saan nasama ang pangalan mo.” Aniya
“Alam naming posibleng tama ang hinaing mo na wala kang
sala. Hindi pa rin nito tinatama ang pamamaraan mo.” Dagdag pa nito
Ang pagbibigay
respeto umano ay bahagi ng disiplina ng
isang sundalo.
“Sa susunod na mag hinaing kayo, madame, paalala lang po.
Dalhin nyo sa tamang awtoridad sa tamang paraan. Hindi kahit kailan gawain ng
isang sundalo ng republika ang pahiyain ang Hukbong Sandatahan.”Ayon pa kay Atty.
Trixie
Source: Trixie Cruz-Angeles
0 Comments