Trillanes: Extra tattoo removal session kailangan pa ni Bong Go, may tira-tira pa!


Senator Antonio Trillanes IV and former SAP Bong Go / composite photo from Google


Inakusahan ni Senador Antonio Trillanes IV si dating presidential aide na ngayon ay senatorial candidate Christopher ‘Bong’ Go na mayroon talaga umanong triad tattoo na pinatanggal lamang nitong sa mga eksperto.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi ni Trillanes ang mga screenshot ng mga larawan ni Go kung saan ay kita umano ang tattoo nito habang naglalaro ng basketball.



Ayon sa senador na oposisyon, kailangan pa umano ni Go ng dagdag na sessions para tuluyang maalis ang natira sa tattoo nito.

“Huli ka! So,Bong Go HAD a triad tattoo afterall. Magpa-additional laser tattoo removal sessions pa dapat si Bong Go bago naghubad kasi may mga bakat at tiratira pa,” ayon sa dating mutineer sa kanyang post

Hinamon din ni Trillanes si Go na magpatingin ito sa dermatologist upang mapatunayan na hindi nito ipinabura ang tattoo.

“Ngayon,if he still insists na wala talaga,then ipa-examine natin PUBLICLY sa mga INDEPENDENT dermatologists. Pusoy!” ayon kay Trillanes


Kamakailan lang ay ipinakitani Go ang kanyang likod upang matapos na ang speculations na siya ay sangkot sa isang drug syndicate matapos lumabas ang video ng isang alyas “Bikoy” sa social media.





Source: Abante








Post a Comment

1 Comments

  1. trililing tang ina mo wala kana saysay sa bansa panira kalang wala ka naman naitulong

    ReplyDelete