Magkarelasyong boss: Hug, kiss normal sa ABS-CBN newsroom


Entertainment news anchor and reporter Gretchen Fullido 



Naging malisyosa umano ang showbiz reporter na si Gretchen Fullido sa mga natatanggap niyang text messages mula sa dalawang executive ng ABS CBN kung kaya’t akala niya ay mina-manyak siya ng mga ito.

Ito ang naging depensa ni Maricar Asprec,  segment producer ng “TV Patrol”, isa sa inakusahan ni Fullido ng sexual harassment kasama ang news executive na si Cheryl Favila.



Bago nagsampa ng reklamo si Fullido sa Quezon City Regional Trial Court (RTC), nagbigay umano ng paliwanag ang dalawang inakusahan kay Regina Reyes, Head of Integrated News, noong iniimbestigahan pa lang ng ABS-CBN ang nasabing eskandalo.

Ayon sa kopya ng counter-affidavit at counter complaint na inihain ni Asprec, binaggit nitong normal lang umano ang lambingan sa network, lalo na sa News Department, kaya’t balewala lang sa kanila ang mga yakap at halik.

Pinauso umano ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda ang mga salitang “Pa-kiss” dahil sa ito ang biro nya sa mga kabardakang lalaki, ayon kay Asprec.



“Yung mga biro katulad ng ‘puwede pa-kiss or kiss na lang daw’ ay mga normal na salita na ginagamit ko, ng mga kaibigan ko at ng ibang tao sa newsroom. Hango ito sa mga joke nina Vice Ganda at Roderick Paulate kung saan sinasabihan nila ang kanilang mga kaibigang lalake ng ‘Pre, pa-kiss nga’. Parte ito ng lokohan at lambingan naming sa Newsroom.” Paliwanag ni Asprec.

“I don’t understand bakit binibigyan ng malisya ni Gretchen ‘yun,” ayon sa bahagi ng affidavit nito

Samantala, ayon naman sa affidavit ni Favila at counter complaint nito, binigyan lang umano ni Fullido ng ibang kahulugan ang pahayag niyang gusto niya itong maging “Thursday Girl.”



Aniya, binansagan din niyang “Thursday girls” sa post niya sa Instagram ang mga nakasama sa inuman tulad nina Doris Bigornia, Nadia Trinidad, Tere Salvacion at Bettina Magsaysay. At may iba din siyang nakasama naman sa lakaran na tinawag niyang “Tuesday Girls.”




Source: Abante

Post a Comment

0 Comments