Veteran journo binulgar ang kalakaran ng media: "DON'T BE SHOCK. ITO ANG KALAKARAN NG MGA TUMATANGGAP" - Jay Sonza





Binulgar ng isang beterano at dating journalist na si Mr. Jay Sonza ang mga kalakaran umano ng mga miymebro ng media pagdating sa pagtanggap ng kanila ibabalita.

Ayon pa kay Mr. Sonza, siya ay namamangha rin ngayon sa mga pulitiko (mga taga oposisyon) na tila ba di maubos-ubos ang kanilang pera kung ang pagbabatayan ay ang dami ng kanila mga PR campaigns, at mga pagpapalabas ng mga balita na may emphasis para siraan ang administrasyon ni Pangulong Duterte.


Sa kanyang Facebook post, inisa isa din ni Mr. Sonza ang halaga ng bigayan sa bawat transaksyon kada broadcast. Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Sa totoo lang, manghang-mangha ako sa lalim ng bulsa ng political opposition and critics of the present dispensation.

The conduct of PR (public relations) campaign, with emphasis on vilification (paninira) efforts vs. Duterte is a VERY EXPENSIVE lot.

Sa daigdig ng crisis management/image and multi-media services, ang pinaguusapan dito ay milyones bawat galaw.



Opo, hindi po daang libo, kundi milyones.

For example (bawat labas/issue/broadcast ito): reporter (P1,500 to 5,000) de
pende sa antas/kalibre o anggulo ng report;

Desk editor/deskman (P5,000 to 10,000) tabloid to broadsheets;

News editor/radio-tv producer (5,000-10,000) depende sa papel o himpilan ng radio o television.
radio/tv anchor/presenter (usually pakete (package deal) ito (P1M-5M/per month/paid before broadcast iyan/advance palagi ng isang buwan) bukod pa iyan sa pa-interview (usually 30K to 50K per interview (depende saang network).



Mayroon ding pa-ground floor ng heartbeat/Pegasus; mayroon pabili ng beres golf set at laro sa wack2; may painom sa lugar ni bobby v sa malate; mayroon din pangshopping sa hongkong o bakasyon sa Maldives. 

DON'T BE SHOCK. ITO ANG KALAKARAN NG MGA TUMATANGGAP. Magtanong kayo sa mga kilalang PR Operators. HINDI PO LAHAT AY NATANGGAP MERON PA RING NAMANG IILAN NA MATITINO.

Kaya saan ka nakita na nakakulong at panay ang media releases with matching picture, icon o file video.
Araw-araw may pa presscon si senador at senadora.

May rally o mass action araw-araw (sukdulang dadalawampo lang ang nagmamartsa at para pareho ang pagkagawa ng kanilang streamers/placards at banners. may bayad na, may pa softdrinks pa.


Bukod pa ito sa mala call center na sentro ng mga troll operation para sa new/digital media. puwera pa iyong stay home-only P20 per comment at P50 per counter-comment pag pinatulan nyo iyong troll sa facebook o tweeter nyo.






Samantala, marami sa mga netizens na nakabasa ng post na ito ni Mr. Sonza ang sumang ayon at sumuporta sa kanyang mga sinabi at ang ilan naman ay nagparating din ng kani-kanilang mga opinyon.















Source: Facebook

Post a Comment

0 Comments