Mayor Isko on Divisoria vendors: Basta gawin ng may disiplina!



Photo courtesy of Manila Bulletin and Philstar



Masayang balita ito para sa mga vendors ng Divisoria na maari na sila muling makapaghanap-buhay at  makakapagtinda lalo na ngayong kapaskuhan.

Nagpahayag na ang alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno na pinapayagan na ang mga street vendors na magtinda sa Divisoria ngunit kasunod nang ilang kondisyon.



Base sa ulat ng Inquirer, binigyang permiso na ng mahal na alkalde ng Maynila na magtinda ang mga maliliit na negosyante sa lansangan ng Divisoria kailangan lamang nilang sundin ang ilang mga kondisyon.

“Kung ang mga tao at mga sasakyan at hindi makakadaan dahil sa sinakop na ang buong kalsada, gagfawin kong malungkot ang mga Pasko nila. Binigyan natin sila nang pagkakataong magtinda basta gagawin nila ito ng may disiplina.” Sabi ni Mayor Isko.

Unang kondisyon na rito ay ang lawak ng espasyo ng kanilang gagamitin sa pagtitinda. 1 meter by 1 meter ang binigay na sukat sa kanila sa bawat stalls na kanila itatayo.



Dapat ay maayos pa ring makakadaan ang mga sasakyan kahit pa may mga stalls na nakatayo sa kalsada.

Pinapayagan na din sa ngayon, na magpwesto ang mga street vendors sa kahabaan ng Carmen Planas at Tabora Street at bahagi ng Ilaya Street malapit sa Moriones.

Samantala, ang mga kalsada tulad ng Juan Luna Street at Recto Avenue ay di pa rin maaring pagpwestuhan ng mga street vendors.



Inaasahan ng alkalde ang mahigpit na pagsunod at buong kooperasyon ng mga magtitinda upang sa gayon ay maging masaya rin naman ang kanilang pasko dahil sa mayroon silang pagkakataong kumita.



Source: Inquirer

Post a Comment

0 Comments