May Daga sa Mesa: Isang Pamilya ang nagulantang nang makakita ng daga sa Tong Yang resto sa Cebu

 


larawan mula sa Facebook post ni Deace Barbiera | Daga sa Tong Yang Plus


Isang pamilya sa Cebu ang nagulantang at natakot matapos makakita ng isang daga na umaakyat sa ibabaw ng kalapit na mesa habang sila ay nagsasaya sa kanilang pagkain sa kilalang restaurant na Tong Yang Plus.

Ayon sa post ng Facebook user na si Deace Barbiera, agad daw nilang ni-report ito sa manager ng nasabing kainan ngunit tila wala itong pakialam.


larawan mula sa Facebook post ni Deace Barbiera


Ang Tong Yang Plus ay bahagi ng Vikings Group at ang pangunahing alok nito ay unlimited na grill at hot pot sa mga customers.

“When the manager approached us, he said that this rat came from somewhere but not inside their restaurant. He was speaking in Cebuano so we don’t really understand it all,” ayon kay Deace

Aniya pa, nagbayad pa rin umano sila ng kanilang kinain matapos mawalan ng gana dahil sa kanilang nakita.


larawan mula sa Facebook post ni Deace Barbiera | Daga sa Tong Yang Plus


“Bottom line we can’t eat anymore because of the rat that we saw but we still paid for our meal.” Aniya

Binahagi ng netizen ang larawan na kuha sa restaurant kung saan makikita nga ang isang daga na nasa mesa.

“This is a bit disappointing since they didn’t show any signs of urgency on the matter,” dagdag pa ng customer

Sa kasalukuyan ay trending na ang post na ito ni Deace na umabot na sa mahigit 5 libong shares.

Iba-iba naman ang mga komento ng mga netizens, at mas marami ang nagsabi na sana ay hindi nalang binayaran ng mga customers ang restaurant.


larawan mula sa Facebook post ni Deace Barbiera | Daga sa Tong Yang Plus


At kumbinsido ang marami na hindi man umano galing sa loob ng kainan ang daga, tiyak na madumi ang nasabing lugar para pamahayan ng mga ito.


 

 

Post a Comment

0 Comments