Guanzon napa-react sa pag-ban sa KDramas: 'Aba marami kayong kaaway dyan, pati ako'

Photo collage from Rappler and Manila Bulletin




Inulan ng kritisismo ang pahayag ni Senador Jinggoy Estrada kanyang pinag-iisipan na ipa-ban ang mga tinatangkilik na Korean dramas sa Pilipinas, upang mas tangkilikin naman at panoorin ang shows na gawang Pinoy.
 
Isa na sa napa-react dito ay si dating Comelec commissioner Rowena Guanzon base sa kanyang Twitter post.
 
“What? ban Korean telserye? Aba marami kayong kaaway dyan, pati ako,” ani Guanzon nitong Miyerkules, Oktubre 19.
 
“The Extraordinary Atty Woo is my fave,” dagdag pa niya.
 
Samantala, nilinaw naman agad ng senador na wala naman umano siyang balak talaga na ipagbawal ang Korean dramas sa bansa. Ang nais lang daw niya ay “Filipino first”.
 
“Kaugnay sa aking pahayag kahapon sa mga foreign-made shows, my statement stems from the frustration that while we are only too eager and willing to celebrate South Korea’s entertainment industry, we have sadly allowed our own to deteriorate because of the lack of support from the moviegoing public,” aniya sa isang pahayag.
 
“Wala po akong balak i-ban. That was said out of frustration. Gusto ko talaga Filipino first,” paglilinaw ng mambabatas
 
Ayon naman sa iba pang netizens, mas tatangkilikin ang mga palabas na gawang Pilipino kung tataasan ang kalidad ng mga ito.
 
Tinatangkilik ng marami ang ‘Kdramas’ kung tawagin dahil sa madalas ay ‘good vibes’ at pampakilig ang kanilang pinapakita sa istorya. 
 
 
 
 

Post a Comment

0 Comments