Pabor si Military Ordinary Bishop Oscar Jaime Florencio sa pagkakaroon
muli ng mandatory military service sa mga kabataan.
“I think we need that to instill more discipline to our
young people,” ayon kay Florencio sa panayam ng Radio Veritas
“It’s a good thing also to bring about while they are
young.” Ayon pa sa bishop
Sinabi rin ni Florencio na ang military service ay hindi
lang dapat maging isang academic requirement, kundi isang pangangailangan upang
magkaroon ng “strong and solid good character” ang mga kabataan
Iginiit din ng bishop na dapat igalang ang mga karapatan ng
mga sasailalim sa serbisyo militar at tiyakin ang kanilang kaligtasan.
Nauna nang iminungkahi ng presidential daughter at vice presidential aspirant na si Sara Duterte na gawing mandatory ang military service para sa lahat ng Pilipino kapag umabot sa edad na 18.
Iba-iba naman ang naging reaksyon dito ng ilang mga pulitiko at netizens.
0 Comments