Recto may payo sa Palasyo: 'Pakinggan ang feedback ni Robredo at Moreno tungkol sa pandemya'




Nanawagan si Senate President Pro Tempore Ralph Recto nitong Martes sa Malacañang na pakinggan ang mga kritisismo nina Bise Presidente Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno sa paghawak ng pandemya ng administrasyon imbes na sabihing namumulitika lang. 

“Dapat tingnan ang mga opinyon nila as dispatches from the frontlines, kasi nasa ground naman sila lagi pareho,” ayon kay Recto

Pinapalakas lamang umano ni Robredo at Moreno ang mga sinasabi din ng mga health workers at mga executive ng lokal na pamahalaan.

“Kaya lang, pag ordinaryong nurse ang naglabas ng sama ng loob, hanggang Facebook rant lang. Pag Vice President or Mayor of Manila, nasa news agad o trending sa Twitter,” ani Recto

Dagdag pa ni Recto, nararapat na ituring ng palasyo ang mga local na gobyerno bilang mahalagang “listening post” na maaaring magpabuti sa gobyerno sa paghawak ng pandemya.

Sinabi niya na si Moreno at iba pang mga alkalde ng lungsod ang mga nasa hanay kung saan unang nakaka alam ng balita sa araw-araw - mula sa mga pasyente na mai-ospital, bibigyan ng mga gamot, o inilibing - ay nakakuha ng karapatang magsalita ng kanilang isipan.

"Every disaster movie begins with a scene of a scientist or a local official being ignored. Let us not allow this to happen in real life,” saad pa ni Recto

 

 

  

Post a Comment

0 Comments