Panelo hinamon si Carpio: Kung gusto mo tayo na lang magdebate

 

Photo from ABS CBN


Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na handa siyang makipag debate kay retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio tungkol sa tungkol usaping West Philippine Sea (WPS).

Ito ay matapos tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte na sa panukalang debate at tinalaga si  Presidential Spokesperson Harry Roque bilang kanyang kinatawan.

"Kung gusto mo tayo na lang magdebate," ani Panelo sa isang online commentary show na “Counterpoint”

Ayon kay Panelo, di tugma kung si Pangulong Duterte ang makikipag debate kay Carpio dahil hindi sila pareho ng ranggo, status at talino.

“Eh president ito ng bansa, eh ito wala, retired na ito,” dagdag ni Panelo

Nauna nang sinabi ni Roque na pinakinggan ng Duterte ang payo ng kanyang Gabinete na huwag makipagtalo sa dating mahistrado sapagkat ang debate ay maaaring makaapekto sa mga patakaran ng gobyerno sa WPS.

Matatandaan na unang hinamon ng pangulo si Carpio ng debate dahil giit nito, si Carpio at dating Secretary ng Ugnayang Panlabas na si Albert del Rosario ay kasangkot sa pagpapasya na bawiin ang mga sasakyang pandagat sa Scarborough Shoal.

Hiniling din ng pangulo na magkaroon ng imbestigasyon kina Carpio at Del Rosario dahil sa umano’y papel nila sa patuloy na presensya ng China sa WPS.

Post a Comment

0 Comments