Sinupalpal
ng mga netizens ang aktres na si Angelica Panganiban, kasunod ng kanyang pag rant
sa Twitter laban sa Philippine Red Cross sa Subic sa Zambales kung saan
mayroong pila para sa isang swab test noong nakaraang Martes.
“Hello
redcross subic!! Isang oras na kami sa dito sa parking area niyo. Nakaalis na
din mga nakasabay namin. At inuna niyo pa yung ibang bagong dating. Okay lang
naman kung palakasan 🙂 tweet ko na lang,” Ayon sa Tweet ng
aktres
(Hello Red
Cross Subic. We have been waiting in the parking area for one hour. Others who
arrived with us have left. You accommodated the new guests. It’s okay if
there’s ‘palakasan’ system. I’ll just tweet it).
Matapos
nito, nag tweet pa uli si Angelica na “Taray ng red cross
dito sa subic. D sila namamansin :)” (“Red cross here in subic is just ignoring
us”)
“Nung
huling beses ako nag pa swab sa red cross, muntik akong mabaliw. Nag padala
sila ng email na positive ako sa covid. Pero yung attachment result, negative
ako. Ginawa nila yun sa buong Olongapo guys. Nag sorry naman sila after 12
hours.” Ayon naman sa ikatlong tweet nito
(The last
time I had a swab test in Red Cross, I nearly got crazy. They emailed me saying
I was positive of COVID-19. But the attachment result showed I was negative.
They apologized after 12 hours though).
Agad na nag
trending ang tweet na ito ng aktres laban sa Red Cross Subic.
Ang mga netizen at ilang mga frontliner ng medisina, kabilang ang mga nagtatrabaho sa pasilidad, ay di napigilan na sumagot kay Angelica. Narito ang ilan sa kanilang mga post:
“People who
were swabbed before you sa parking, we’re actually [ill] and yung isa nga
ambulansya pa eh. Di mo ba kita ma’am? Ang pagiging artista ma’am di kasama sa
priority list, yet, lumabas ako to swab yung kasama nyo,”
“You have
to understand, while you are busy with your leisure trips, all of these
frontliners are busy with their Essential job. With no rest, at risk, pressure
and yet trying their best to serve you ungrateful people.”
"Taas ng
pride ni ate ghorl kahit obvious naman na maling mali at kab0bohan ang
pinaglalaban nya. Public apology in 3 2 1.”
0 Comments