Ilang mambabatas umapela sa PNP na lagyan ng aircon ang kuwarto ni De Lima dahil sa mainit na panahon

Imahe mula sa Office of Senator Leila De Lima

 

Hiniling ng mga kaalyado ni senadora Leila De Lima na lagyan ng aircon unit ang kanyang kwarto sa piitan dahil sa napakainit na panahon.

Kamakailan lang ay napagbigyan ng korte ang hiling ng mambabatas na medical furlough na tatlong araw matapos nitong makaramdam ng sintomas na maaring mild stroke tulad ng pananakit ng ulo at pang hihina ng katawan. 

Kaya naman sumulat sina senador Franklin Drilon, Risa Hontiveros at Francis Pangilinan kay P/Brig. Gen. Arthur Bisnar, director ng PNP Headquarters Support Services, upang umapela para sa kalusugan ni De Lima. 

“Senator De Lima suffers from migraines and bouts with high blood pressure every afternoon because of the unbearable heat. Should her living conditions remain the same, Senator De Lima might suffer another heat stroke,” ayon sa apela ng mga mambabatas

“From the foregoing, we would like to request the installation of an airconditioning unit at her living quarters following her doctors’ recommendation,”dagdag pa ng sulat

Hiniling din ng mga senador na ilipat sa isang hearing room si De Lima tuwing tanghali para may maayos na ventilation habang wala pang airconditioning unit ang kanyang piitan.

Na-confine si De Lima sa Manila Doctors Hospital noong Abril 24 hanggang Abril 27 upang sumailalim sa isang medical examination.

Lumabas naman sa resulta ng pagsusuri sa mambabatas na wala itong senyales ng mild stroke at negatibo rin sa COVID-19.


Post a Comment

0 Comments