Techie Agbayani (ctto) |
Para sa beteranang aktres na si Tetchie Agbayani, ang freedom of speech ay hindi lamang para sa mga ordinaryong tao at ang mga artista ay maaari ding maglabas ng kanilang mga saloobin.
“You know, they say artista daw, stick to acting. Stay apolitical, ‘wag ka nang sumawsaw,” ayon kay Tetchie sa isang online press conference.
Giit ng aktres, ang mga artista ay mamamayan din at may karapatan na magsalita o magbigay ng kanilang mga opinyon sa mga nangyayari.
“They have a voice. They have a unique position na (such that) because of their popularity, mas pakikinggan sila (people will all the more listen to them),” aniya
Maging tanyag man sa industriya o isang ordinaryong mamamayan lang, naniniwala si Techie na ang mga tao ay hindi maaaring manahimik lamang kung nakikita nilang nagagawa ang kawalan ng hustisya.
“As a Catholic, as a Christian, if you see na merong nagaganap na hindi tama, hindi makatao, hindi maka-Diyos, obligasyon mo bilang tao, bilang anak ng Diyos, na kumibo dahil kapag hindi ka kumibo, kinukunsinti mo ‘yung mali na ginagawa,” ayon kay Techie
Samantala, para kay Techie, maswerte umano ang mga artista sa panahon ngayon dahil may nakukuha silang suporta mula sa kanilang mga istasyon.
“So, kapag naka-trabaho mo na ang mga young stars ngayon (So when you get to work with the young stars today), especially from the network that I am working with at the moment, polished na (they’re already polished). They know their craft. They’re good at it. They look well. They dress well. They’re well-mannered,” komento ng aktres
0 Comments