Photo courtesy of Rappler |
Sa muling pagtaas ng kaso ng COVID cases sa ating bansa, marami ang nababahala sa kalagayan ng ating pamumuhay ngayon. Isa na dito ang Megastar na si Sharon Cuneta.
Naging laman na ng social media ang megastar simula ng pandemya. Nasangkot din sa ilang kontrobersya dahil sa mga saloobin nito na naging viral. *
At muli, walang alinlangang inilabas ni tita Shawie ang kanyang saloobin patungkol sa muling pagdami ng mga nahahawaan ng COVID-19 sa ating bansa.
Lubhang nakakabahala na ang dami ng bilang nito, sa araw-araw na ibinabalita ng Department of Health na mahigit 10,000 cases araw-araw.
Nananawagan na si Sharon sa mga netizens at sa ating mga kababayan na di lang dolehin kundi triplehin pa ang pag-iingat sa kalusugan at sundin ang lahat ng health protocols na iniuutos ng ating mga opisyal.
Sinamantala na ni Mega ang pagkakaktaon, at nanawagan ito sa kanyang page para sa publiko, “Please naman maawa na kayo sa mga kababayan nating namamatay!!! TAO MUNA UNAHIN, puede po?!" *
“At tayong lahat sana sumunod na sa health protocols at huwag na matigas ang ulo dahil tayo din ang napapahamak,” dagdag pa ng batikang aktres.
Dagdag pa ni Megastar na magstay at home na lamang at kung hindi naman talaga kailangang lumabas ng bahay, “Wear a mask. Keep social distancing. Huwag na lumabas kundi kailangan. Wash your hands. Use alcohol and sanitizer. Keep safe. May God have mercy on us all.”
Hindi naman naiwasan ng isang netizen na magkomento sa post ng Megastar at nagsabing dapat talagang mag-ingat ng mga ordinaryong tao lalo na yung mga walang trabaho at kabuhayan.
Sinabi pa ng netizen, wala raw naman talagang problema ang mga mayayaman kayang-kaya nila ang gumastos ng malaki sa pagpapagamot. *
Ani ng netizen, “Keep safe guys. The only person who will help you and your family will be you. No one else. Ang may pera makakabili ng vaccine, makaka swab test. They can go to the hospital anytime. May pera e! Ako wala."
“So ingat ingat lang ng hindi mahawa ang mga kasambahay natin. I will continue praying for all Filipino people.” dagdag pa ng nasabing netizen
Sinagot naman ito ni Sharon at talagang hindi pinalampas ang kanyang IG follower, “That is no longer true!"
“May kaibigan akong napakayaman, may cancer pa, apat na araw bago makakuha ng room sa Makati Med. Wala nang kwenta que mayaman o mahirap ka ngayon. Walang sinasanto ang COVID,” naging pagkontra ni Mega sa paniniwala ng netizen.
0 Comments