Angelica Panganiban naglabas ng himutok tungkol sa 15K Covid-19 cases: 'Yung vaccine ba aasahan pa namin sa inyo? D naman diba? KKB!'

Photo courtesy of PreenPh


Idinaan ng aktres na si Angelica Panganiban sa social media ang kanyang himutok matapos maglabas ang Department of Health (DOH) ang kanilang bilang ng mga tinamaan ng Covid-19 nitong Biernes, Abril 3.


Sa ulat ng Inquirer, umabot ito sa 15,310 ng mga nahawaan ng coronavirus ayon sa DOH, na sinasabing may pinakamataas na bilang na naitala sa isang araw mula ng magpandemya. *


Ayon kay Angelica, ang nasabing bilang ng Covid cases ay galing lamang doon sa mga may kakayahang mag pacheck-up at magpa-swab test.


Napapaisip tuloy ang aktres na maaring mas mataas pa ang dami ng Covid cases dahil marami sa ating mga kababayan na mahihirap na walang kakayahang magbayad ng pagpapacheck-up at swab test.


Kinalulungkot din ng kapmilya actress na sa gitna ng kahirapang dinadanas ng mga tao, kinakailangan pang maglabas sa sariling bulsa ng ordinaryong tao para magpaswab test at kung magpa-positive pa, dagdag problema pa ang pagpapa-ospital at iba pang gastusin nito.


“Hinang hina ka na... maglalabas ka pa sa bulsa mo ng pera, para ma swab. At malalaman mo, pasitib ka sa covid mami! Pano na pa ospital? Gamot? Mental care?! Yung vaccine ba aasahan pa namin sa inyo? D naman diba? KKB! Nakakaiyak. Ito ang emotional. #freemasstesting,” giit ni Angelica sa kanyang Twitter account. *


Samantala, maging ang iba pang mga celebrities ay dinaan ang kanilang hinaing sa social media at di na napigilang maglabas ng kanilang saloobin at pagkabahala tungkol sa pagdami ng Covid cases sa ating bansa. 


Post a Comment

0 Comments