Ayon sa
ulat ng Philstar, kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 si presidential spokesperson
Harry Roque ayon mismo sa kanyang pahayag kaninang umaga.
"As of
11:29 this morning, nakuha ko po ang resulta, nagpositibo po ako para sa
COVID," sambit ni Roque sa isang press briefing kanina.
"Itong
test ko kung saan tayo nagpositibo, ito po ay kahapon lamang, para nga po sana
ngayon, para sa pagpupulong kay presidente mamaya, at dito po lumabas na tayo
po ay positibo." Ani Roque
Asymptomatic
o walang sintomas ng nasabing virus si Roque kaya naman siya ay nagulat sa
naging resulta ng kanyang test.
Noong ika-10
ng Marso ay nagpa test din si Roque bago samahan si Pangulong Duterte sa
Dumaguete noong Huwebes, ngunit siya naman ay nag negatibo.
Dahil
negatibo ang unang resulta, pinakalma ni Roque ang mga pangamba ng mga taong
kanyang nakasama sa Ilocos noong nakaraang Linggo. Gayunpaman, sinabihan niyang
mag quarantine ang mga ito para na rin sa kaligtasan ng nakararami.
'Yung mga
nagkaroon po sa akin ng close contact, I ask you po for your indulgence, pero
kinakailangan po ninyong mag-quarantine kung kayo po ay nagkaroon ng close
contact sa akin," ayon pa sa tagapagsalita ng palasyo
Iginiit
naman ni Roque na hindi niya nalapitan si Pangulong Duterte kaya wala umanong
dapat ikabahala sa kalusugan nito.
"Negative
po tayo for the Dumaguete trip and I did not have any close contact with the
president. Hindi po ako nakalapit sa kanya, just from afar," paliwanag
niya
Pati ang
kanyang misis ay pagpapa-test din dahil kasama niya ito sa pag tulog.
"If
she turns out also positive, mag-a-isolate na po siguro kaming magkasama. Pero
if she turns out negative today, I intend to go to an isolation facility also
because we have to walk the talk," saad pa niya
0 Comments