Dalawang
grupo ng mga anti-komunista ang kumondena sa gobyerno ng Netherlands sa tinawag
nilang "tuluy-tuloy na coddling 'ng tagapagtatag ng Communist Party of the
Philippines (CPP) na si Jose Maria Sison, na naninirahan doon sa pamamagitan ng
political asylum simula pa noong 1987.
Nanawagan ang
grupo ng La Liga Independencia Pilipinas at League of Parents of the
Philippines sa awtoridad ng Dutch nitong Lunes na ibalik ng pinuno ng komunista
sa Pilipinas upang tuluyan nang wakasan ang matagal nang insurgency ng mga ito.
Sinabi ng
dalawang grupo na ang kanilang kahilingan ay naaayon sa kanilang adbokasiya
laban sa kilusang komunista, habang malapit na ang anibersaryo ng CPP, ng New
People’s Army, at ng National Democratic Front of the Philippines
(CPP-NPA-NDFP).
“The groups
lamented that Netherlands became a ‘safe haven’ for Sison and other CTG leaders
to continue planning their atrocities in NPA-infiltrated areas in the
Philippines,”ayon sa pahayag ng mga grupo
“They also
condemned [the] Netherlands government for ‘continuous coddling’ Sison and
tolerating his criminal activities and ‘using their country as a spring board
of aggression’,”dagdag ng mga ito
Si Sison ay
hindi na nakabalik sa Pilipinas mula nang siya ang magpa self-exile sa nasabing
bansa.
Kung
matatandaan ay nagkaroon ng ilang paanyaya si Pangulong Rodrigo Duterte kay Sison
na umuwi na ito upang makipag-usap sa pamahalaan.
Larawan mula sa Inquirer |
Maraming beses
na ding sinubukan ng dalawang panig ang peace talks ngunit bigo itong maisakatuparan
dahil parehong partido ay may akusa sa isa't isa na lumalabag sa mga kasunduan
sa tigil-putukan.
Gayunpaman,
nanindigan si Sison na hindi umano siya kayang salingin ng gobyerno ng
Pillipinas sa Netherlands nang hindi ito lumalabag sa batas internasyonal.
Ngunit
naniniwala ang mga pangkat na ang pagpapauwi kay Sison sa bansa at upang harapin
niya ang kanyang mga kaso ay makakatulong na maibsan ang sinasabing kabangisan
na ginawa ng mga komunistang grupo ng terorista.
Iginiit din
ng grupo na huwag tawaging “refugee” si Sison kundi isang “political terr0rist”.
“We appeal
to the Netherlands Government to expel Joma Sison together with his
co-terrorists,”pahayag pa ng mga ito
“The State
of the Netherlands has provided Joma Sison and the ruling members of the
terrorist group CPP-NPA-NDF a sanctuary and a staging ground in Utrecht,
Netherlands, to propagate their senseless war of terror and aggression against
the government and the Filipino people,”dagdag nila
Hiling ng
mga grupo na sana ay pakinggan ng pamahalaan Netherlands ang kanilang panawagan.
0 Comments