Hindi rin naitago ni Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin Jr. ang kanyang galit sa suspek na umatake sa isang 65-taon na Filipina sa New York.
Ayon kay Locsin, dapat daw bigyan ng libreng ticket papunta sa PIlipinas ang "gorilla" na walang awang nambugb0g ng matanda.
Binatikos din ni Locsin ang ‘nakagagalit na atake’ laban sa matandang babaeng Pilipino at ang pagtaas ng mga krimen na may kinalaman sa h*te crime na madalas nangyayari sa mga lahing Asyano na naka base sa Amerika.
“If we can find that gorilla, I’d like to give him a visa to the Philippines and a business class one way ticket with free two days accommodations. I figure that’s about as much time as would be needed. But I’m open to suggestions. General (Hermogenes) Esperon, any ideas?” ayon pa kay Locsin
Samantala, ayon sa New York Police Department, nahuli na nitong Martes lang ang suspek at sinampahan ng kasong felony assault.
"Thanks to assistance from the public and excellent investigative work by @NYPDHateCrimes Detectives, the individual wanted for Monday’s assault of a 65 year-old Asian female, at 360 West 43rd St, was arrested and charged with Felony Assault as a Hate Crime," ayon sa pahayag ng New York Police Department sa Twitter nito.
Sa isa pang update, kinilala ng New York Times ang suspek na si Brandon Elliot, 38.
"Mr. Elliot was released from prison in 2019 and was on lifetime parole after he was convicted of fatally stabbing his mother in 2002, the police said."ayon pa sa ulat
0 Comments