Larawan mula sa Bombo Radyo |
Ayon kay Senador Francis Pangilinan noong Miyerkules ang mga panukalang naglalayon na gawing kriminal ang red-tagging ay "sulit na suriin."
Ito ang naging tugon ni Pangilinan sa media habang binigyang diin niya na ang mga indibidwal na nared-tag o naiugnay sa Communist Party of the Philippines ay pinatay, ginugulo, at binantaan.
“With the state forces’ penchant for red-tagging government dissenters, there must be complementary accountability for such acts that could constitute abuse of authority, political bias, and disregard for the free exercise of views,” ayon kay Pangilinan
Aniya pa, magpapatuloy ang ganitong pangyayari dahil walang pinaparusahan sa mga gumagawa ng red-tagging.
Giit pa ng senador, bagamat ang mga na-red tag ay maaring magsampa ng administrative case sa Ombudsman, wala umano itong epekto.
“Going to the court for a writ of Amparo and writ of habeas data, which are both aimed at protecting one’s right to life, liberty, and security against being red-tagged is also an option but has no punitive sanctions,” ayon sa mambabatas
“Ni-re-red-tag din ba ng Philippine military, which is mandated to secure our borders from foreign intrusion, ang Chinese Communist Party?” tanong pa niya
Tinapos na ng Senado ang naging pagdinig sa red-tagging umano ng militar sa ilang mga personalidad at indibidwal.
Ayon pa sa chairman ng Senate Committee na si Panfilo Lacson, kanyang "seryosong isinasaalang-alang" ngayon ang mga rekomendasyon na kriminalisahin ang red-tagging.
Samantala, sinabi naman ni Senador Risa Hontiveros, sa isang panayam sa online sa mga reporter, na hindi pa niya napag aaralan ang nasabing rekomendasyon na ito.
0 Comments