Kwento Ng Isang Kaanak Ng Mag-Asawang Nuezca: Halos Laman Sila Ng Logbook Ng Barangay

Screencap photos from Youtube @Raffy Tulfo in Action

 


Nakapanayam ng sikat na beteranong media personlity sa bansa na si Raffy Tulfo sa kanyang programa na Wanted sa Radyo, Raffy Tulfo in Action ang pamangkin ng misis ni PSMSgt. Jonel Nuezca, ang pulis na nakapaslang sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa viral video na kumakalat ngayon sa social media.  *


Ayon sa kaanak nito na pamangkin ng misis ng salaring pulis, na kinilalang si Dennis Lamorena na saksi umano siya sa ugali at mga ginagawa ng mag-asawang Nuezca sa kanilang lugar.


Hindi nya maitatanggi na marami nga ito kaalitan sa kanilang lugar maging ang biyenan ni PSMSgt. Nuezca ay hindi rin niya kasundo at madalas din niya itong maka argumento.


Alam din umano nila ang balita na ilang beses na di umano itong naka patay subalit labis nilang ipinagta taka kung bakit at paano pa ito nakaka labas ng kulungan sa kabila ng patung patong na kaso.


Ayon sa balita, marami na palang mga kasong administratibo at kriminal si Nuezca na pawang mabibigat kung saan ay nadismiss na din sa serbisyo ang salarin ngunit ito ay muling nakabalik sa serbisyo. *


Screencap photos from Youtube @Raffy Tulfo in Action



"May nabalitaan na lang po kami na may pin*tay siya ulit pero di namin inalam kung sino basta nabalitaan na lang namin, hindi na lang kami umiimik" pahayag ni Lamorena sa panayam ni Raffy Tulfo.


"Iyon nga ang pinagtataka namin, Nagulat kami ba't nakakalabas siya e nak*p*tay na siya, bakit nakakalabas pa rin siya ng kulungan," dagdag pa nito.



Nabanggit din ng nasabing kaanak na mahilig din umanong magpa-barangay ang pulis at pamilya nito sa kanilang mga kapit bahay ngunit sila naman umano ang hindi sumisipot sa tuwing nagpa patawag ng barangay.


Suki umano ng logbook ng barangay ang mag-asawang ito dahil mahilig umano ang mga itong magpa-barangay ng mga kapitbahay lalo na ang pamilya ng mga biktima.


Isa pa sa mga kinumpirma ni Lamorena ang laging pagsama umano ng pulis sa kanyang mag-ina sa tuwing may kinasasangkutang gulo ang mga ito.  *


Screencap photos from Youtube @Raffy Tulfo in Action



"Mahilig silang magpabarangay sir Raffy, halos laman sila ng logbook ng barangay tapos si Ate Sonya pinababarangay nila, uma-attend si Ate Sonya ng ano sa barangay pero sila hindi uma-attend," ayon pa sa salaysay ng pamangkin ng misis ni Nuezca.


Dagdag pa ng kaanak ng misis ni Nuezca, isa marahil sa rason na kaya mainit ang ulo di umano ni Nuezca sa mga kapitabahay na Gregorio ay natalo ito sa kasong isinampa ni Nuezca dahil sa usapin sa lupa.


Isa si Tulfo sa mga nangakong tututok din sa kaso ng mga Gregorio na walang awang pinaslang ng pulis na si Jonel Nuezca na nasapul sa video at sisiguruhin na makakamit ang hustisya ng mga kaanak ng biktima.


Ang nasabing insidente kung saan ay walang habas na pinagbabaril ng isang pulis Paranaque ang mag-inang kapitbahay sa loob mismo ng kanilang bakuran habang marami ang nakakasaksi at nakapag video nito kabilang na ang 13 taong gulang na anak ng salaring pulis.  *


Screencap photos from Youtube @Raffy Tulfo in Action



Nashock ang buong netizen sa walang saysay na p@gpat@y na dahil lamang sa maliit na bagay na kanilang hindi pagkaka-unawaan ay nauwi sa mal@gim na pangyayari na kumitil sa dalawang buhay.


Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pagbaril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.


Sa pinaka huling update ng kaso ni Nuezca, ito ngayon ay nakapiit na sa Paniqui Municipal Police Station kung saan ay inihahanda na ang kasong kriminal at administratibo laban kay Nuezca.


Kinundena naman ni DILG Secretary Eduardo Año ang insedente sa pagpaslang sa mag ina. Aniya, sisiguraduhin nyang matatanggal sa serbisyo ang suspek.


"We don't need this kind of policeman. Napaka simpleng bagay lang yan para gamitan mo ng armas. Walang justification para barilin mo in cold bl0od. Talagang point blank pa yong distansya. Talagang kailangan bigyan natin ng hustisya." Ani DILG Sec. Año.


Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa na kilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' at sikat rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.









Post a Comment

0 Comments