Larawan mula sa ABS CBN |
Isang ina
na umano’y naging biktima ng CPP-NPA-NDF ang nag post ng kanyang open letter
para sa aktres na si Liza Soberano at Miss Universe Catriona Gray.
Ang mensahe
ng ginang na si Relissa Santos Lucena ay tungkol sa usaping kinasangkutan ng dalawang
celebrities na parehong nagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan.
Matatandaan
na parehong na tag ni Lieutenant General Antonio Parlade Jr. na makaka-kaliwa si
Soberano at Gray.
Sa kanyang liham,
nagpakilala si Lucena bilang isang ina at ilaw ng tahanan ng pamilyang Pilipino
at kabilang sa sektor ng kababaihan.
Ayon sa ginang,
siya at ang kanyang pamilya ay isa lamang sa mga mukha na naging biktima ng
CPP-NPA-NDF at Gabriela na organisasyong sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.
Si Lucena
ay co-creator ng Facebook page na “Hands Off Our Children” na kasamang tinanggal
ng Facebook Philippines. Ayon sa mga ulat, anak ng ginang si Alicia Jasper Lucena na na-recruit umano ng
grupong Anakbayan at matagal nang hindi umuuwi sa kanilang tahanan.
Kamakailan
lang ay napabalitang lumahok si Soberano sa webinar na pinamagatang “Mga Tinig
ni Nene: Reclaiming Our Voice on the International Day of the Child” na
inorganisa ng Gabriela Youth, ang youth arm ng Gabriela.
Kaya ayon kay Lucena, kaakibat ng karapatan bilang Pilipino at pagiging artista ay ang responsibilidad na maging mabuting halimbawa at dalhin sa tama ang mga umiidolo sa kanila.
Narito ang kabuuan ng lihan ni ginang Lucena sa kanyang Facebook account:
Dear Liza
Soberano at Ms. Universe Catriona Gray, Ako po si Mrs. Lucena kabilang sa
sector ng kababaihan at Ina na ilaw ng tahanan ng pamilyang Pilipino. Ako po at
ang aming pamilya ay isa sa mukha ng mga na biktima ng CPPNPANDF at kabilang
ang Gabriela sa itinuturing mapaminsalang organisasyon na sumisira ng
kinabukasan ng aming mga anak ito ay ayon sa
Ahensya ng Pilipinas na nangangalaga ng inyong katiwasayan at kapayapaan
mula sa terorismo at krimen. Hindi namin ipinagabbawal ang karapatan nyo na
maging boses ng mga kababaihan na inaapi at inalisan ng karapatan, at lalong
hindi kayo tinuturing kalaban ni General Parlade sa pagsasalita Dito.
Sumahin natin ang lahat bilang mamamayan ng bansa, meron kang karapatan bilang Filipino at bilang artista, Ngunit sa bawat karapatan na iyong tinatamasa meron din itong kaakibat na responsibilidad na dalhin ang mga taong Sumusunod at tumitingala sayo bilang Idolo na dalhin sila sa tamang Landas na walang bantang kapahamakan. Tulad ng trabahong pinili mo, meron kang obligasyon at karapatan ganun din ang bawat General sa bayang ito at ang buong otoridad na pangalagaan at iligtas mula sa nagbabadyang kapahamkan ang bawat Pilipino ano man ang edad nito o Kasarian.
Meron sila obligasyon na isiwalat
ang mga maling adbokasiya ng isang organisasyon na maglalagay sa kapahamakan sa
mga Pilipino. Bilang isang pampublikong pigura ng bayang itong meron kang
obligasyon na alamin ang organisasyon kung Tama ba na dalhin mo ang aming mga
kabataan o iyong tagasunod sa organisasyon na maari silang mapahamak?
0 Comments