Villar kinastigo ang hepe ng PCC: 'kung ako ang head niyan at ganyan ang performance ko, magsu-su*cide na ako. Nakakahiya!'

 

Photo courtesy of Rappler

Kinastigo ni Sen. Cynthia Villar nitong Martes ang ahensya ng Philippine Carabao Center (PCC) dahil sa di umano sa pagiging incompetent nito sa pagpapalago ng programang "milk feeding program," na kung saan ay naglaan pa ng 28 milyong piso ngunit naman umano ito nakatulong sa pag angat ng dairy industry sa bansa.


Ayon pa sa senadora, nag aaksaya lamang ng pondo ang nasabing ahensya kung saan ay bumibili at umaangkat umano ito ng mga kagamitan na hindi naman kailangan sa pagpapatupag ng mga programa ng ahensya.


“They have been inexistent for 28 or 25 years, bakit naman ang production natin ng milk is 0.6% ng demand, 99.4% ini-import natin? After 28 years? My god, kung ako ang head niyan at ganyan ang performance ko, magsu-suicide na ako. Nakakahiya,” sambit ng senadora.


Inulan ng batikos at sermon ang PCC executive director na si ginoong Arnel del Barrio, ng sabihin nito na kasali ang PCC sa “milk feeding programs” na pinangungunahan ng mga gaya ng Department of Education (DepEd) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Dagdag pa ni Exec. Dir. Del Barrio, naglaan ng 28 milyong piso ang PCC para maisakatuparan ang nasabing feeding program na nakalaan para sa Central Luzon lamang.


"Sa feeding program po, we will participate actively in the feeding program with DepEd. Actually mayroon na po kaming operating MOA (memorandum of agreement), hopefully magkaroon na rin ng transfer of funds and about 376,000 beneficiaries po ang papainumin ng gatas ng kalabaw this year," pahayag ni Del Barrio.


"Likewise, we will participate in the milk feeding program with the DSWD. We'll start in Region III at P28 million is being allocated for this purpose," dagdag pa nito.


Ngunit tila nagpanting ang mga tenga ng senadora at sinabing "Hindi trabaho ng Carabao Center ang mag-feed ng milk. Ang trabaho mo, mag-produce ka ng mga carabao at gumawa ka ng mga processing center ng carabao para yan ang bibilhan ng DepEd at DSWD. Nagkamali ka na naman,” ani Villar.


“Hindi ikaw gagasta sa feeding, bibili lang sa sa inyo, we’re providing you a market, bakit sinasabi mo na kayo ang magpefeeding program? Hindi ba DSWD ‘yun at saka DepEd?”

 

Binigyang diin pa ni Villar na nakasaad sa batas na dapat ay may sapat na produksyon ng gatas mula sa mga maliliit na may ari ng mga negosyante o ang tinatawag na “backyard farms” upang masiguro na tuloy-tuloy ang supply ng mga dairy products na aangkatin ng mga nabanggit na ahensya.

 

"Pagsulat namin ng batas, hindi ikaw ang gagasta sa feeding. Bibili lang sa inyo," Giit ni Villar kay Del Barrio.


"Ikaw, kung ano-ano ang ginagawa mo. Kahit sabihin ko sa iyo ano dapat mo gawin, ayaw mo sumunod, kaya failure kayo eh," dagdag pa nito.

 

Nais pa sanang magpaliwang ni Del Barrio sa paratang ng senadora ngunit agad din itong binara  Del Barrio, "Hindi po kami magfi-feeding" ani Barrio,ngunit hindi na nito nagawang magpaliwang pa.

 

Sa dami ng bilang ng mga babaeng kalabaw sa ating bansa na halos 16,040, 27 na porsyento o 1,313 lamang sa mga ito ang nakakapaglabas ng gatas. Habang ang 73 na porsyento o 11,697 na mga babaeng kalabaw ay walang kakayahan makagawa ng mga gatas o "non-milking line," ayon sa PCC.


Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag-aaral ng PCC  at mayroon na itong 20 na pag-aaral na nagawa at kasalukuyang may 38 na pag-aaral sa ngayon at 25 na sinisimulan pa upang mas mapaganda ang produksyon ng gatas sa buong bansa. Sabi ni Del Barrio.


"Katakot-takot na researches na naman yan, wala na namang application," sabi naman ni sen. Villar.


"Paano mo maa-apply yung research na yan kung hindi ka naman nagpro-produce ng carabao, at yung mga carabao, hindi naman nagpro-produce ng more milk?" tanong ng senadora.


"Bakit mo uubusin yung pera sa research na wala namang application?" anito.


"Ang layo-layo natin eh. Nasaan ang research ninyo? Katakot-takot ginagasta ninyo sa research," dagdagpa ng senadora.


Pahayag pa ni Villar, pangarap nya na mabigyan ang mga magsasaka ng karagdagang pagkakakitaan, mabigyan sila ng mga kalabaw at masiguro ang produksyon ng gatas ay maibigay para sa lahat.


"Siyempre nangarap ako at sinira mo Dr. Del Barrio ang aking pangarap," ani villar.


"Itutuloy po natin ang pangarap ninyo. Lahat naman po ng sinasabi ninyo ma'am 'yun po ang ginagawa namin," Nangako naman si Del Barrio na isasakatuparan ang pangarap ng senadora.


"Galit na galit ako sa 'yo. Sinira mo ang mga pangarap ko para sa mga dairy farmers... Ngayon lang nag-iimbestiga ako saka kayo magmo-MOA signing, napapahiya na ako sa mga local government na pinagbigyan ko." Sagot naman ni Villar kay Del Barrio.


Inakusahan pa ni Villar  si Del Barrio na ginagamit nito ang pondo na inilaan nya para sa ahensya  na nagkakahalaga ng 10 milyon para sa pagpapagawa ng pasilidad para sa pagproseso ng gatas ng kalabaw sa ibang proyekto.


"Kung saan-saan mo dinadala pera mo, kaya walang nangyayari," giit ni Villar.


"Hindi budget ang problema ninyo. 'Yung desire to help the people ang wala sa inyo. Wala 'yun," dagdag pa nito.


Matatandaang nauna ng bwineltahan ni Villar ang mga opisyales ng Department of  Agriculture noong nakaraang senate hearing noong Enero, "Partly to blame kayo sa kabobohan ng mga bata. Ang mga bata, pinapa-inom ng milk para tumalino. Ang dairy program ay partly to blame. Kung walang available na murang gatas para sa mga bata, pa'no iinom ng gatas ang mga bata?"


“Kaya ‘yung mahihirap na bata sa pilipinas walang pag-asang uminom ng milk kasi lahat imported. Eh mahal ang imported eh. The only way they can drink milk is mag-produce tayo sa bayan natin at ipagbili natin ng mura sa kanila,” Ani pa ni sen.Villar.

Post a Comment

0 Comments