Noli De Castro may hugot sa mga kasamang umalis: Ako po’y tunay na Kapamilya forever…yung iba hindi naman pala

Mga larawan mula sa Google (ctto)



May tila patama ang beteranong broadcaster ng ABS CBN na si Noli De Castro sa kanyang mga kasamahan na sumakabilang bakod na matapos na mag sara ang ABS CBN network.

Ayon sa komento at sagot ni Kabayan sa isang listener, sigurado umano siyang hindi siya lilipat ng ibang network at mananatili siyang Kapamilya.

“Nagsimula ako dito nang magsimula ang ABS-CBN after ng martial law.” aniya

“Oh, martial law na naman at nandito pa rin ako. Ay, hindi pala. Ipinasara na kami. Nandito pa kami, another martial law,” hugot pa ng beteranong broadcaster

Nagsara ang higanteng network ng ABS CBN matapos itong hindi mabigyan ng prangkisa ng Kongreso.

Ayon kay Ka Noli, forever talaga siyang magiging Kapamilya, hindi katulad ng iba na nagsilipatan ng ibang istasyon.

“Hay naku! Totoo ang sinasabi ko, kaya Kapamilya forever. Yung iba, e, nagsasabi (Kapamilya forever), hindi naman pala forever. Wala naman forever kasi,” ayon pa sa pahayag ni Noli

Naunang napabalita ang mga naging paglipat nina Ted Failon, Gerry Baja, Anthony Taberna at iba pang mga personalidad industriya ng pamamahayag.

Samantala, pormal nang nagbitiw sa pwesto bilang chairman emeritus at director ng ABS CBN Corporation si Eugenio “Gabby” Lopez III noong September 24, 2020.

Nagbitiw rin siya bilang director ng ABS-CBN Holdings Corporation, Sky Vision Corporation, Sky Cable Corporation, First Philippine Holdings Corporation, First Gen Corporation, at Rockwell Land Corporation.

Kapalit ni Lopez, inihalal sa parehong araw ng Board of Directors si Mario Luza Bautista bilang Director ng Corporation.

 

 

 

 


Post a Comment

0 Comments