Lumalabas na kaya paulit-ulit ang denial ng aktor na
si John Regala na hindi umano niya nahawakan ang mga perang donasyon sa kanya ng
mga nagmalasakit na kaibigan ay dahil hindi pala ito diretsong binigay sa kanya
kundi sa assistant nito na nagngangalang Teddy Imperial na umalis na sa kanyang
poder.
Kamakailan lang ay tila sumama ang loob ng mga kaibigan
ni John na sina Chuckie Dreyfuss, Nadia Montenegro at Aster Amoyo matapos na mapabalitang tila walang natatangap
na pera ang dating aktor.
Sa panayam nina John at Chuckie kay Raffy Tulfo
kamakailan, nagkaalamanan na binibigay pala sa assistant ni John ang deposit
slip at listahan ng donor kaya wala itong nahahawakan na kahit ano. Napag-alaman
din na si Teddy ay lumayas na sa tabi ng aktor.
Ayon din sa pahayag ni Chuckie, kay Teddy nila inabot
lahat ng tulong para kay John pero hindi naman pala nakakarating sa huli ang mga
ito. Ito din ang dahilan ng galit ng mga kaibigang tumulong kay John.
Dahil sa nangyari ay nasira ang credibility ng dating
assistant ng aktor na ngayon ay iimbestigahan muna kaya pinigilan siyang mag
salita ni idol.
Ani Raffy “Si Sir Teddy, ayan magsasalita pero now for
me, mukhang sira na kaagad ang credibility nito because sa kanya ibinigay ‘yung
mga resibo and then mukhang mayroon daw siyang sasabihin na hindi maganda. I think, this is not the right time, we have
to investigate Sir Teddy muna.”
“Sorry Sir Teddy ha, kasi ang pagkasabi sa akin marami
ka raw sasabihing na masasama against Mr. Regala, I’m not gonna allow that
simply because tumakas ka kasi ‘yung mga resibo na supposed to be ipapakita mo
kay Sir John na galing kay Mr. Chuckie na mga donasyon tinakas mo at hindi mo
ibinigay for whatever reason. Ikaw lang ang nakakaalam ngayon.
Ayon pa sa host, kailangan munang magpaliwanag ni
Teddy sa mga ginawa nito bago siya bibigyan ng pagkakataon na magsalita laban
kay John.
“You’ll gonna say a lot of bad things about Mr.
REgala, imbestigahan muna kita Sir Teddy ha, kasi tumakas ka, eh. Meron ka dapat ipapaliwanag muna, I’m gonna
take muna ‘yung mga sasabihin mo.
Pagkatapos ka naming imbestigahan at nalaman namin ang pagkatao mo, then
saka namin kayo pagsasalitain.”
Dahil dito, marami ang napapaisip at nagtatanong kung
bakit nilayasan ni Teddy si John at kung ano kaya ang mga sasabihin nitong
pasabog laban sa dating aktor.
0 Comments