Sunshine rumesbak sa basher: Wala pong masama maghangad ng mabuti para sa bayan



Larawan mula sa Google



Matapang na sumagot ang aktres na si Sunshine Dizon sa kanyang mga bashers matapos niyang magpahayag ng pagtutol sa  bagong-pasang Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020.

Pinutakte si Sunshine ng mga bashers na halos karamihan ay taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabor din sa kontrobersyal na batas.



Sa isang Instagram post ay binahagi ni Sunshine ang screenshot ng komento ng isang netizen na nagsabi pa na isa ito sa kanyang mga tagahanga.

“Nagiging aktibista ka na rin po ba? Mas maganda po focus ka sa pagluluto at sa mga kiddos mo.

“At maganda ung ipost goodvibes pa po. Mas maganda tahimik at walang nagbabash sayo. Fan mo po ako since AnnaKarenina,” ayon sa netizen

Ito naman ang mahabang sagot ng aktres:

“Hindi po ako aktibista, isa lamang akong ina na nagnanais ng mas maayos at payapa na pilipinas.*



“Tanggap ko na din po ang bashers kung kapalit naman ay kamulatan ng mga nag tutulogtulugan.

“Ipagdasal po natin wag dumating ang panahon na kailanganin na ng ibang magsalita pero wala nang makikinig at o di kayat lagyan din ng busal ang kanilang mga bibig.

“Wala pong masama maghangad ng mabuti para sa bayan.

“Ano po ang masasabi nyo kung sakaling boses mo lang pala ang kailangan upang masimulan ang pag babago pero hindi ka nag salita.*

“Napaisip ako sa aking sinabi. Paano kung ikaw na lang pala ang hinihintay?”



Ang sagot na ito ni Sunshine ay umani din ng maraming batikos, pati ang kanyang personal na buhay ay naungkat.

Sinabihan siya ng isang netizen na kaya daw ito iniwan ng dating asawa na si Timothy Tan ay dahil baka kasalanan din niya.

At ang mainit na sagot ni Sunshine ay: “Wow the best comment ever

“Fyi i never claimed that I have a perfect marriage but I can guarantee you that my life is so much better than yours because I would never resort to saying things like you would.*



“And next time wag nakikilam sa buhay ng may buhay. #chismosa may kakalagyan ka din balang araw.”

Kamakailan lang ay nag trending ang aktres dahil sa kanyang naging pahayag laban sa pamahalaan matapos ang naging ikalimang SONA ni Pangulong Duterte.

Aniya, nais niyang manirahan sa bansa ng payapa at tahimik kasama angkanyang  pamilya at mga kaibigan nang walang takot sa may mga kapangyarihan.

“Gusto ko pong mamuhay sa Pilipinas kasama ng aking mga anak, pamilya at mga kaibigan ng payapa at walang takot na may mga tao na mataas at makapangyarihan na pwedeng abusuhin ang batas na dapat ay poprotekta sa ating lahat,”*



“Gusto ko pong mamuhay na walang takot na ako ay pwedeng mapag susupetyahang terrorista dahil nilabas ko lang ang aking mga saloobin o ako’y sumali sa isang protesta,”

“Hindi tamang mawalan tayo ng boses at karapatang pumuna kapag tayo ay may mga mali nang nakikita. Gusto kong lumaki ang aking mga anak sa ating bayan na malayang makakapagpahayag ng kanilang saloobin, rerespetuhin ang kanilang karapatang pantao,” Ayon sa aktres

Nilinaw din ni Sunshine na pabor siyang magkaroon ng batas na pipigil sa terorismo ngunit nakakatakot umano ang kasalukuyang anti-terrorism law dahil maaari itong maabuso.


Hinikayat din nya ang mga tao na magsalita at ilaban ang kanilang karapatan.













Post a Comment

0 Comments