Prominent lawyer pinagtanggol si Sarah Balabagan sa mga batikos na bakit ngayon lang ito lumantad:''walang expiration ang magsabi ng totoo'

   

Photo courtesy of Google and PhilStar



Hindi na napigilan na magsalita at ipagtanggol ng batikan at sikat na abogado at blogger na si Atty. Bruce V. Rivera, ang dating batang OFW na si Sarah Balabagan, na naging kontrobersyal dahil sa pagpatay sa kanyang arabong amo na pinag tangkaan syang gahasain noong taong 1994 sa United Arab  Emirates (UAE). *

Ayon kay Atty.Bruce, nais nyang ipagtanggol si Sarah laban sa mga taong akala mo kung sino kung maka pagbatikos sa kanya. Akala mo kung sinong mga nagmamalinis at matatalino na walang bahid ng kapintasan ang pagkatao.


"Kahit wala pang sagot si Igan, nauna nang nag mamagaling ang mga netizens na kung maka comment ay aakalain mo na napaka linis at woke. Minsan, nakaka galit ang mga nag sasabing feminst pero sila itong unang bubuking sa kanilang kakitiran ng utak." panimula ni Atty.Bruce


Natural lamang na isiwalat ni Sarah kung sino ang tunay na ama ng kanyang panganay, dahil karapatan itong malaman ng anak nya.


At buong tapang nyang ibinunyag ang katotohonan, at napapanahon na rin dahil sa matagal nyang pagsasa walang kibo, at pagtitiis.


Panahon na para malaman ng madla kung paano pinag samantalahan ng isang respetado broadcaster ang kanyang kahinaan at kawalang muwang, at pagpapatahimik sa kanya.


Nais nyang bigyang linaw at katahimikan ang kanyang anak at mga mahal sa buhay. Nais din nyang ituwid ang dapat ituwid at itama ang mga haka haka na sumisira sa  kanilang mag anak at higit sa lahat ay para na din sa mga taong higit na tumulong sa kanya. *


 

Photo courtesy of Inquirer and Amazon


"Naisip ko po, maybe will na ito ng Panginoon nang sa ganoon maitama ko na yung dapat maitama," pahayag ni Sarah.


Aniya, "Hindi naman po habang panahon ay buhay ako para sagutin at itama kung ano yung mga tanong at kung anong mga haka haka at mga chismis diyan.


"Paano kung wala na ako sa mundo at hindi ko ito tinama?


"Baka mamaya maging multo pa ito sa mga anak ko o baka mamaya gamitin pa ng mga demonyo para guluhin ang isipan ng mga anak ko.”


"Gusto ko po maging malinaw, gusto ko protektahan ang aking mga anak." Dagdag pa nito.

 

Photos courtesy of Pep

Para kay Atty. Bruce, walang expiration ang pagsasabi ng katotohanan, kaya karapatan ni Sarah ang lumantad kahit matapos ang 22-taon. 

"BAKIT NGAYON LANG SIYA AFTER 22 YEARS? Wait, may expiration pala ang magsabi ng totoo. Pag umabot ba ng 20 years, hindi na maging totoo na nung 17 years old siya ay nabuntis siya ni Arnold Clavio?"


"Pag tumatanda ba ang isang tao ay hindi na siya dapat paniwalaan. Hindi ba pwedeng naghintay muna siya na tumanda na ang anak nila para hindi ito malalagay sa kahihiyan at baka ideny siya ng puppet ng ex niya." Aniya


"Sino ba sa atin ang inabuso nung panahon nang ating pagkalugmok at nagkaroon agad ng lakas para lumaban? Kadalasan, lulunukin mo ang sakit at poot kasi sa liit mo, alam mo kung saan ka pupulutin." Dagdag pa ng abogado

 

Amb.Roy SeƱeres and Sarah Balabagan / Photo courtesy of People's Tonight


Kanya ring binanatan ang mga nagsasabing pera lang ang habol ni Sarah kaya ito lumantad sa publiko. 


"PERA LANG ANG HABOL. Bakit, masama ba???? Masama bang humingi ng danyos sa maraming taon na ghosting at who you?? Mapapa mura ka sa mga tao na nagsasabi nito."

 

"Wala ba kayong common sense? Kung ginamit ka, inakit ka, binalahura ka dahil wala kang option B, hinarvest ang freshness mo, pinitas ka na parang sitaw tapos iniwan sa damuhan, sinira ang Fallopian tubes mo, binigyan ka ng 18 stiches. " aniya



Photos courtesy of Pep and Instagram


 (I am assuming kasi may reliable source ako na nag sabi na before nawala sa circulation si Sarah ay hindi na sila nag uusap nung vulcanizer niya) tapos LIBRE??? 



Kaloka lang! Pwede kong ibigay si Jen jen out of charity pero pag nag bunga ito, hindi po kasama sa usapan yan. Lalo na kung mas pinalad ka dahil tumaas ang self-confidence mo dahil pinatulan kita kaya mataas ang kita mo tapos quits???!!! Natural na pera ang habol ko!! Hindi ako tangang hahabulin ang dandruff ng wig mo. 

PERSONAL NA PROBLEMA YAN, NAGKAINTINDIHAN SILA KAYA MAG-USAP SILA

 

Ano?????? Nung panahon na pinuntirya niya ang pechay ko, wala akong legal na karapatan na ipa wasiwas at lamutakin ang gulay ko kasi bata pa ako.

 

Si Kian nga nagbenta ng drga na kaedad ko, pinaglaban ninyo na walang kamuwang-muwang kaya kulong ang pulis tapos ako, iwas pusoy kayo. *" dugtong pa ni Atty. Bruce.


Photo courtesy of Philnews


Narito pa ang paliwanag ng abogado kung bakit niya ipinagtatanggol si Sarah Balabagan:


BAKiT AKO AFFECTED??


Alam niyo, ang mga beki at babae, lugi kadalasan sa relasyon. Kasi pag nagma mahal tayo, hina hayaan natin na maging basahan na ginagamit pamunas ng libag at dumi para maging malinis at mabango ang mahal natin.


Hinahayaan natin na gamitin tayo ng gamitin hanggang sa kalaunan, sa dumi, panghi at laspag natin, di na natin kilala sarili natin habang sila nag-upgrade ng bagong rug at nilagay na tayo sa labas para ngat-ngatin ni Bantay. 

 

Pero, paminsan-minsanz naaksidente ang sila dahil di nila napansin ang basahan kaya naapakan ito. Lagpak sa matigas na semento, tanggal ang ngipin at putok ang nguso.


Dun ako masaya. Dahil may pag-asa. May pagbangon. May pagpapahalaga sa mga kabaro natin na ginawang basahan dahil wala silang magawa.

 

Pag niloko mo ako nung mahina ako. Bantayan mo ang kahinaan mo. Kasi madaling abutin ang kahinaan mo sa putik na kinalalagyan ko. Matakot ka. Oras na nasakal ko na yang bayag mo, magdasal ka ng taimtim!!! Dyan pa lang, lugmok ka na.


Bruce Villafuerte Rivera *

 

Post a Comment

0 Comments