Apela ni Sen. Binay kay Pangulong Duterte: 'Stand behind our frontline health workers'

Photos courtesy of PCOO and Inquirer





Kamakailan ay nanawagan ang kapulungan ng mga medical frontliners sa pamahalaan na muling ilagay sa mas mahigpit na pagpapatupad ng quarantine o enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila matapos magsagawa ang mga ito ng isang zoom meeting.

At sinangayunan naman ito ng mga senador, anila isang valid request ang kahilingan ng mga medical frontliners na dapat ay pakinggan at pagbigyan ng ating pamahalaan.



Isa na nga rito ang pahayag ni Senadora Nancy Binay, na kanyang pinarating sa pamamagitan ng social media, at kanyang pinapahayag ang pagsuporta sa kahilingan ng mga medical frontliners.

“I appeal to Malacanang to stand behind our frontline health workers. Humihingi sila ng saklolo. Pakinggan nyo naman ang hinaing nila. Perhaps you can find some middle ground, and explore win-win solutions to address critical concerns.” Ani Senadora Binay.

“Humihingi sila ng saklolo. Pakinggan nyo naman ang hinaing nila (They are asking for help. Hear their call). Perhaps you can find some middle ground, and explore win-win solutions to address critical concerns,” dagdag pa nito.


Hiningan din ng pahayag ang ilang mga senador kabilang na ang Senate president na si Vicente “Tito” Sotto hinggil sa panawagan ng grupo ng mga frontliners, at sumasang-ayon din ito sa nasabing panawagan.



“It’s a very serious request which the government should take very seriously in plotting out the next steps,” pahayag ni Senador Sonny Angara.

“If the doctors and our medical system is overwhelmed then the whole system and government strategy will surely be affected,” ani Angara.

“It is useful for the IATF, Department of Health (DOH) and the Department of the Interior and Local Government (dilg) to sit down with the representatives of the health sector to tackle and address their many concerns— the lack of PPEs, the filling up of hospitals, the state of our testing tracing and quarantine systems and how to improve them- these are some of the urgent issues raised.” Dagdag pa ni Angara.

Sumangayon din si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa naging pahayag ni Angara. Para sa kanya, mas mabuting pag-usapan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at iba pang bumubuo nito ang ilang mga issues na kinakaharap ng mga medical frontliners.



“The request of health workers to place Mega Manila under ECQ for at least two weeks is a valid request that Malacañang should seriously consider,” sabi ni Lacson.


“Putting human lives above all considerations is a no-brainer, given the choice,” dagdag pa nito.

Pinangunahan ng Philippine College of Physicians ang panawagan ng mga medical frontliners sa ating pamahalaan ang muling ibalik sa ECQ ang buong Metro Manila sa loob ng kahit dalawang linggo lamang upang makapagpahinga an gating mga medical workers at maging mga ospital sa dumadaming bilang ng COVID-19 infected.

“time out to recalibrate the government’s COVID-19 strategies.” Ayon sa pahayag ng Philippine College of Physicians.


Samantala, sinabi naman ni Presidential spokesperson Harry  Roque na nakarating na ang panawagang ito ng ating mga frontliners sa ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte at inatasan na ang IATF na aksyunan sa lalong medaling panahaon ang nasabing panawagan.

At ito ngang Linggo ng gabi ay nag-anunsyo na ang Pangulo ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.









Post a Comment

0 Comments