Sino si Ann Sheila Belarmino? Mga detalye, larawan ukol sa naarestong suspek sa Jang Lucero case



Larawan mula sa KAMI


Ang karumaldumal na kwento ni Jang Lucero, ang babaeng natagpuan na pinatay sa loob ng kanyang sasakyan sa Laguna, ay patuloy na bumibihag sa mga mga netizens. 


Ayon sa isang ulat ng GMA News, nahuli na ang suspek sa pagpatay kay Jang na kinilalang si Ann Sheila Montes Belarmino.



Ayon sa ulat, si Belarmino ay dating kasintahan ni Jang na residente ng Antipolo, Rizal base sa kanyang profile sa Facebook.


Sinabi umano ni Capt. Mary Ann Torres, hepe ng public information office ng Calabarzon, si Belarmino ay nai-tag bilang mastermind ng krimen.


“Siya ay naging suspect based dun sa mga CCTV footage, ganun din sa statement ng witnesses. Siya rin ang tinutukoy na mastermind sa case. In-e-establish pa rin yung motive,” ayon sa sinabi ni Torres sa dzBB.


Siniwalat ng kasintahan ni Jang na si Meyah Amatorio na mag hahatid ng tatlong pasahero mula sa Laguna patungong Gil Puyat, Maynila.



Nang hindi na makontak ni Amatorio si Jang ay humingi na siya ng tulong sa mga pulis. Dagdag pa niya, wala siyang alam sa anumang conflict o kaaway ni Jang.


Bago pa man mahuli ang suspek, nag share pa umano ito ng news report ukol sa pagkamatay ng biktima.


Napag alaman din na may mga nakuhang CCTV ang pulisya na nakatulong upang matukoy ang suspek.


Nakumpirma rin na si Belarmino ang huling pasahero ni Jang bago ito matagpuang walang buhay.

Kasalukuyan na itong naka-detain sa Calamba City Police Station at nahaharap sa kasong murder. 

Mugshot ng suspek na si Ann Sheila Belarmino

Post a Comment

0 Comments