Photo from ABS CBN and PNA |
Hinimok ni Rev.
Fr. Douglas Badong, ang vicar ng Quiapo Church, ang mga deboto ng simbahan na “gumising
na” at magkaroon ng kamalayan sa mga kawalang katarungan na nangyayari sa
lipunan.
Sa kanyang
homily nitong Linggo ay binasa ni Badong ang pastoral letter ng Catholic
Bishops' Conference of the Philippines' na patungkol sa Anti-Terrorism Act of
2020 na kamakailan lamang na naisabatas.
Matapos
basahin ang liham, ipinaliwanag ni Badong na ang Diyos ay hindi gumawa ng
anumang masama, ngunit ang kasamaan ay umiiral dahil ang mga kaaway ay umaatake
kapag natutulog ang mga mabubuti.
"Habang
natutulog ang mga tao, pumuslit ang kaaway at naghasik din ng masamang
damo," aniya
"Habang
natutulog ang mga tao. Ibig sabihin, hindi alerto 'yung mga tao. Nakakapasok
'yung kasamaan. Nakakapasok 'yung kaaway," dagdag pa ni Badong
Para kay
Badong, maraming masamang bagay ang nangyayari sa lipunan ngayon dahil
masyadong abala ang mga tao para ito ay mapansin.
"Bakit
maraming gumagawa ng masama kahit sa panahon ng COVID? Bakit maraming
nagsasamantala? Bakit maraming corrupt? 'Yung mga ayuda, hindi nakakarating sa
mga dapat.
Nakakapasok ang kaaway kasi tayo, masyado tayong focused doon sa
virus. O kaya naman, masyado tayong focused doon sa naku, nawalan ka ng
trabaho, wala nang pagkain, umiiyak na 'yung anak mo," ayon sa kanya
"So
habang 'yung isipan mo punong puno ng alalahanin, 'yung kaaway,
sumisimple," dagdag ni Badong
Hinikayat
ni Badong ang mga deboto na mag salita at makialam sa mga nangyayari.
"Bakit
ganito ang nararanasan natin? Kasi tutulog-tulog tayo. Ayaw din kasi nating
magsalita. Ayaw din nating makialam. Ayaw din natin kasing makisangkot,"
ani Badong
"Habang
tayo, abalang abala sa pag-iisip, saan ako mag-aapply ngayon, nagsara ang
kumpanya mo, habang abala tayo saan tayo pipila para makakuha ng relief. Biruin
mo, ang daming bagong batas pala na naipasa nila na hindi natin alam," dagdag
pa ng pari
Sinabi rin
niya na ang karamihan ay hindi nagmamalasakit sa bagong batas laban sa
terorismo hanggang sa tuwiran silang maging apektado dito.
"Hindi
natin mararamdaman ito ngayon. Katulad noong mga buhay pa noong 1972, noong
panahon ng martial law, hindi ninyo naramdaman hangga't hindi kayo ang
nahuhuli, hangga't hindi kayo ang naakusahan," ani Badong
"May
panahon pa. Kailangan lang talaga natin talagang gumising," dagdag niya
0 Comments