Photo from Manila Bulletin and Bandera |
“You
disgust me.”
Ito ang
mensahe ng aktor na si Enchong Dee para kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Sinabi ito
ni Dee matapos maglabas ng pahayag ni Roque tungkol sa hindi pagbibigay ng
prankisa ng Kongreso sa ABS CBN.
Ayon kay
Roque, respetuhin nalang sana ang naging desisyon na resulta ng botohan ng mga
mambabatas hingil sa usaping prangkisa para sa higanteng media network.
“Mayroon po
bang malaking kawalan dahil hindi nabigyan ng franchise ang ABS-CBN? Aaminin ko
po, meron po,” ayon sa pahayag ni Roque
“Nu’ng ako
po’y naging tagapagsalita, malaki rin po naging utang na loob ko dahil number 1
naman po talaga sa reach ang ABS-CBN. Nalulungkot po ako na dumating sa punto
na hindi po na-renew ang prangkisa,” aniya pa
“Maski po
tayong manghinayang, eh tapos na po ang boksing. At dumaan na po sa proseso,
sang-ayon sa Saligang Batas. Wala na po tayong magagawa. Let’s move on,” dagdag
pa ng spokesman
Dahil dito,
hindi napigilan ni Dee ang magbigay din ng kanyang saloobin.
“You
disgust me.
“Alam ko
makikita mo ‘tong tweet na to because you follow me. Sayang ka,” ayon sa
caption ng aktor nang kanyang i-repost ang naging pahayag ni Roque
Pinagtanggol
din ni Dee ang Kapamilya network sa kanyang Instagram post.
“I’ve been
fighting for my country since I was 13. Hindi madali at walang kasiguraduhan
pero masarap sa puso.
“I will do
the same for the company which I called home for 15 years. Hindi ako titigil sa
pananalita laban sa kasamaan na pumapaligid satin. Being bashed is a small
price to pay to be in the right side of history.
“Sa mga
kasamahan ko sa ABSCBN, kasama nyo ko hanggang muling magbukas ang tahanan
natin. At sa mga kapwa ko artista, hindi ito ang oras para manahimik, maging
totoo tayo sa salitang #kapamilya,” ayon pa sa aktor
0 Comments