Melai sa mga boss ng ABS-CBN: Binastos at pinahiya man kayo sa hearings, nanatili kayong mabuti at marangal

Melai Cantiveros | Larawan mula sa Twitter


May mensahe ng pasasalamat at suporta ang komedyanang si Melai Cantiveros para sa may-ari ng ABS CBN pati na sa mga executives ng Kapamilya Network na nakipaglaban para sa mga empleyado ng estasyon.

Ayon kay Melai, abot-langit ang kanyang paghanga at respeto sa kanyang mga amo dahil sa kabila daw ng panghihiya sa mga ito sa maraming hearings sa Kongreso ay kalmado at mahinahon sila sa pagharap sa mga tao.



“Maraming salamat po sa aming mga bosses na naging boses namin sa pakikipaglaban sa pag-renew ng aming franchise.

“Di kami magsasawa na magpasalamat sa inyo. Binastos man kayo, nanatili kayong mabubuti at marangal. Ngayon ko naintindihan bakit kayo naging boss namin,” ayon kay Melai

Sa kanyang Instagram post ay napa throw-back din ang komedyana kung saan kanyang inalala ang kabaitan umano ni Gabby Lopez mula pa noong manalo siya sa Pinoy Big Brother.

“Naalala ko nung kapapanalo namin sa PBB. After namin manalo sabi ni Sir Gabby na di namin makakalimutan mag-asawa, ‘Jason, Melai sabihin niyo lang sa akin kung may problema kayo ha?*



“Ako bahala sa inyo, okay? Enjoy kayo being Kapamilya,'” pagbabahagi ni Melai

“Sobraaa, naramdaman agad namin noon na Kapamilya kami at may-ari pa ng ABS ang kumausap sa amin na ganon. Napatunayan ko na mabait talaga mga boss namin.

“So much respect po sa inyo, patuloy ang aming dasal at pananalig na mababalik natin ito. Mahal namin kayo,” dagdag pa niya

Tinawag din niyang “selfless” ang ABS CBN matapos nitong mag donate ng mga tent and shower van sa Manila International Airport Authority (MIAA) para magamit ng mga na-stranded na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.


“Pagising mo ito agad bumungad na balita sa’yo (pertaining to the MIAA donations), napaka selfless.” Aniya sa caption ng isang article 




Post a Comment

0 Comments