Kasintahan ni Jang Lucero na si Meyah Amatorio, dinukot umano ng mga armadong lalaki



Kuha mula sa video ng GMA News


Kinumpirma ng mga pulis sa Laguna na dinukot ng mga armadong lalaki ang girlfriend ng napaslang na lady driver na si Meyah Amatorio sa mismong bahay pa nito.

Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi ni Laguna Police Public Information Office chief Police Lieutenant Colonel Citadel Gaoiran na kinuha ng hindi lalampas na sampung armadong mga lalaki si Meyah at ang isa niya pang kamag-anak.


Dahil dito, mukhang hindi pa mareresolba ang kaso ng lady driver na pinatay sa Laguna sa loob ng kanyang sasakyan.

Nangyari daw ang pag dukot kay Meyah sa mismong compound nila sa Bay, Laguna bandang 12:20 ng tanghali.

"Based po sa report ng Bay, allegedly about mga 12:20 p.m. doon sa may Barangay Calo... ito pong si Adrian Ramos y Amatorio at si Meyah Amatorio ay diumano dinukot ng sampung mga kalalakihan,” ayon kay Gaoiran

Mismong kaanak daw ni Meyah ang nagbigay ng impormasyon sa mga pulis at kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang pag kidnap.


"Tinitingnan po natin kung related ba ito o ano 'yung motibo," ayon pa sa pulis

Samantala, naghahanap pa ng ibang saksi ang mga awtoridad na maaring makatulong sa pagresolba sa pagkaka kidnap umano kay Meyah.

Ayon naman sa pinaka huling ulat ng GMA news, nakuhanan daw ng CCTV ang pangyayari.

Sa kabilang banda, marami pa rin sa mga netizens ang hindi kumbinsido sa pangyayaring ito. Ayon pa sa ibang nagkomento, malaki ang posibilidad na ito ang paraan umano ni Meyah upang makatakas sa pagkakasangkot sa kaso ni Jang na nauna nitong tinanggi.


Narito ang ilang komento ng mga netizens:

 "Pero anong rason para kidnappin yang meyah na yn ....Kya kutob ku tlGa scripted lng Yan ...palabas lng nila Yan pra makatkas sa gNwa nila Kay Jang..at naka video na agad ah...."

"Wala n po maniniwala.. papagod lang kau hire at pa cctv jan. May cctv pala bkt wlang kuha jan ung pag alis ni jang jan nun."

"Poklay o Meyah eto lang masasabi namin seu HUWAG KAMI uyy!!! Hindi kami pinanganak kahapon ilang week nyo pinlano yan papano ang pag acting mala pelikula datingan buti pa yung nanay o tyahin ata yun nung interviewhin detalyado alam na halos lahat ang sasabihin nila may armas na dala daw ha saka yung kumukuha ng picture habang dinudukot si poklay parang wala kakaba kaba saang anggulo nakuhanan nia"

"Parang director pla to sa pelikula, ikaw na din ang writer at ang bida"

Post a Comment

0 Comments