Globe agad na sumagot matapos ang warning ni Pangulong Duterte sa SONA 2020



Presidential Photo from Metro News Central

Agad na naglabas ng pahayag ang Globe Telecommunications Inc. matapos itong mabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address noong Lunes.

Binantaan ng pangulo ang ilang malalaking negosyo sa bansa na iayos ang kanilang serbisyo kung ayaw nilang mag sara.



Bago magbigay ng ultimatum, sinabi ng 75-taong-gulang na pinuno na ang pasensya ng mga Pilipino sa Globe at Smart ay nasa “limitasyon na.”

“Maghanap kayo because if you are not ready to improve, I might just as well close all of you and we revert back to the line telephone at kukunin ko yan, ieexpropriate ko. I’ll be straight. Smart pati itong Globe, ilang taon na ito? At ang sagot palagi sa akin, the party cannot be reached. Edi saan pala pumunta yung yawa na iyon?” ayon kay Duterte

“And you might not want what I intend to do with you. Kindly improve the services before December. I want to call Jesus Christ to Bethlehem, better have that line cleared,” dagdag ng pangulo

Sa pamamagitan ng isang pahayag na inilabas noong Lunes, sumagot ang Globe sa Pangulo at sinabing ang kanilang kumpanya ay susunod sa panawagan ng huli para pagbutihin ang kanilang serbisyo para sa mga Pilipino.*



“We heed the call of the President to improve telco services,” ayon sa Globe

"Service performance and increased consumer demand for data are the key reasons why we have been investing billions of dollars to upgrade and improve our network," ayon pa sa pahayag nito

Binanggit din ng Globe na ang kanilang nakaraang investment para mas makapag bigay ng maayos na serbisyo ay makikita na.



"These substantial investments are paying off as we experience marked service improvements… Globally, we are being cited for having improved internet experience… Although we have seen marked improvements, the industry is not without its challenges,” ayon dito




Post a Comment

0 Comments