Drilon gives advice to Lopezes: Go to SC to force entire House to vote on ABS-CBN franchise, not just committee



Larawan mula sa UNTV


Naniniwala si Senador Frank Drilon na mayroon pa ring pagkakataon ang ABS-CBN Corp. na makakuha muli ng bago nitong prangkisa kung buong 304-member House of Representation ang makikilahok sa botohan.

Ito din daw ang dahilan kung bakit naniniwala si Drilon na dapat tulungan ng  mga Lopez ang mga manggagawa nito sa pamamagitan ng pagpunta sa Korte Suprema at pwersahin ang buong Kongreso, at hindi lamang ang mga miyembro ng franchise committee ng House, na bumoto sa ABS-CBN.


Ang komite ng franchise ay bumoto ng 70-11 upang tanggihan ang aplikasyon ng prangkisa ng ABS-CBN.

At ayon umano sa tradisyon, ang mga inaprubahan lamang na aplikasyon ang ipapasa para sa pagbobotohan ng plenaryo.

“The issue is whether or not the action of Congress was completed by the report of the committee recommending the disapproval of the franchise.

"The committee said we would not report out the application for franchise and therefore, the debate on whether or not ABS-CBN will have a new franchise dies in the committee. That is the end of the route because it is no longer debated in the plenary. 


"Can the act of 70 congressmen substitute for the judgment of the 300 or so members of Congress? Under the Constitution, it is Congress which acts on the issue," ayon sa pahayag ni Drilon sa isang panayam sa Kapihan sa Manila Bay.

“Under the rules of the HoR, if the committee report is unfavorable it is no longer brought to the plenary. As to whether this is valid under the Constitution is an unsettled issue. That is an open issue, which the ABS-CBN may avail of, in order to find out what is the real decision of the HoR, not of the committee,”  dagdag pa ni Drilon

Naunang nagpahayag ng pagka dismaya si Drilon dahil sa pag tanggi ng Kongreso na bigyan ng prangkisa ang ABS CBN. Aniya, tila isa itong "deja vu" ng madilim na kasaysayan ng press.

"I am deeply saddened by this episode in the history of our nation. It is reminiscent of the dark pages in the history of Philippine press in 1972." aniya

"Democracy thrives when there is free press and when journalists can exercise complete freedom to do their mandate of reporting facts without fear. But with what happened to ABS-CBN, it has shown that the “sword of Damocles” can be unleashed any time." dagdag din ng senador

Post a Comment

0 Comments