Dating desk editor manager ng ABS-CBN, ibinunyag na isa si Ressa sa nagpursigeng sibakin sila sa trabaho.


Photos courtesy of Facebook and Manila Today



Isang dating empleyado ng ABS-CBN ang nagbunyag ng totoong nangyari sa kanilang pagkakatanggal sa nasabing estasyon.

Ayon sa dating empleyado na ito, isa sya sa mga kauna-unahang batch ng mga empleyado ng ABS-CBN mula na makabalik ang pag-aari nito sa mga Lopezes. 



Nagpakilala ang taong ito na si Joey Falcon, may hawak na mataas na posisyon, bilang isang dating desk Editor Manager ng Kapamilya network at may hawak ng isa sa mataas na posisyon sa ABS-CBN.

Ayon kay Falcon, dating nyang kasamahan ang Chief Executive Officer ng Rappler na si Maria Ressa, na dating head ng News division ng ABS-CBN noong 2004. 

Dahil sa kanilang pagpupunyagi at kasipagan sa kanilang mga trabaho, umangat sa rating ang Kapamilya network hanggang sa maging number 1 na ito mula noon.

Laking pasasalamat sa kanila ng dating big boss ng ABS-CBN na si Geny Lopez na sumakabilang buhay na.



Ngunit dumating ang isang araw, sa di inaasahang kapalaran ay bigla na lamang silang pinatawag at sinabihan na magbitiw na sila sa kanilang mga posisyon.

Mabilis ang pangyayari, nung sinabihan sila ng umaga, ay kinahapunan tapos na sila, "DONE" na ang kanilang mga career, ang kanilang hanap-buhay.

Ang masaklap pa nito, pinagbawalan pa silang mag-apply sa ibang kumapanya sa loob ng isang taon. Wala silang nagawa, Ni hindi na nila nagawa pang magreklamo at magtanong na kung papaano nila mapapakain ang kanilang mga pamilya. Naging tahimik ang kanilang pagkakasibak noon,

Dagdag pa ni Falcon, kasama daw si Ressa sa mga nagpursige na sinakin sila sa trabaho, bilang dating head ng News Division na kanilang kinabibilangan.



Narito ang kabuuan ng Facebook post ni Mr. Joey Falcon:

Kabilang ako sa GRUPO na nagsimula sa ABS-CBN nang mapasakamay uli ito ng mga Lopez noong 1986. Dahil sa aming pagpupunyagi, naging no,. 1 sa ratings ang Channel 2 at DZMM.

Dahil dito, heroes ng staion ang tingin nila sa amin, lalo na si "Kapitan" Geny Lopez.

Pero noongn July 2005 (wala na noon si Kapitan R. I. P.) bigla kaming ipinatawag isa-isa ng management.



300 kaming REGULAR EMPLOYEES na pinag file ng resignation o early retirement. Sinabihan kami ng umaga, kinahapuman... DONE.

Kasama si MARIA RESSA, sa nag push para sa aming RETRENCHMENT. Redundant daw kami, eh kami ang nauna. At may COST CUTTING daw kaya inuna kami na matataas ang sahod.

Sa araw ding iyon may "WALKING PAPERS" na kami, with some amount of compensation, with the warning na hindi kami pwedeng mag APPLY sa ibang company within ONE YEAR

Yung mga may reklamo dumulog sa DOLE at sa Korte. Pero walang sumigaw ng "PAANO NA KAMI" walang "NAGLUPASAY" walang nag rally.



Pero after 15 years, heto BUHAY PA RIN KAMI. Kahit hindi kami "NAGPA AWA" effect, hindi kami nag DRAMA na parang TELE NOVELA.

Huwag na tayong MANISI ng ibang tao o ng Gobyerno.

Kasalanan ito ng mga NAGPABAYA.

Salamat,

Joey Falcon
Radyo Patrol #6

Photo courtesy of Facebook @Joey Falcon

Post a Comment

0 Comments