Aljur Abrenica sinabihang "insenstive" sa kanyang komento ukol sa ABS CBN

Larawan mula sa Pinoy Trend

“Insensitive” daw ang naging pahayag ng aktor na si Aljur Abrenica tungkol sa usaping prangkisa ng Kapamilya network kung saan siya kabilang.
Sa pahayag ng aktor sa isang presscon noong July 24 para sa kanyang bagong pelikula, pinahiwatig niyang mas matimbang ang ginawang mali ng ABS CBN kahit pa siya ay aktibo sa istasyon. 


"Siyempre, that’s my mother network now. Marami rin silang naitulong sa akin. Pero it’s beyond me. Ibig kong sabihin, their fight is their fight," ayon sa aktor 
Para sa kilalang talent manager na si Lolit Solis, sana ay naging mas maingat si Aljur sa kanyang  mga binitawang salita dahil tila insensitive ang naging dating ng aktor.
"Para ngang very insensitive kung iisipin mo, dahil active star siya ng istasyon. Dapat kasi kay Aljur iniisip muna ang tanong bago magbigay ng sagot. 
“Puwede naman i word niya ng maganda dahil baka hindi naman ganuon ka blunt ang ibig niyang isagot, hindi mo naman sasabihin out of context dahil iyon mismo ang pagkakasabi niya,"  ayon pa kay Lolit *


Aniya, dapat mag paliwanag ng maganda si Aljur at linawin ang kanyang naging pahayag.
"Sayang dahil magaganda ang mga projects na ginagawa niya sa ABS-CBN. Hindi mo masisisi ang istasyon kung sakali ipagtampo nila ang comment na ito ni Aljur Abrenica.
“Dapat bigyan niya ito ng magandang paliwanag kung bakit niya nasabi, at next time, medyo hinay hinay lang, sensitive ngayon ang paligid, madaling bigyan ng kulay ang anuman sinasabi at ginagawa." Ayon sa manager.
Ayon naman sa isang ulat ng Pep ph, ang leksyon daw dapat kay Aljur ay: You don’t bite the hands that feed you.*


Mas Mabuti daw na huwag nalang magsalita o magkomento ang isang artista at baka iba pa ang maging interpretasyon ng makakabasa nito lalo pa ng kanyang mga kasamahan sa industriya. 
May mga nagtatanong pa nga kung si Aljur ba ay isa nang DDS or Die Hard Supporter ni Pangulong Duterte tulad ng biyenan niyang si Robin Padilla.
Si Aljur ay may dalawang anak sa asawa niyang si Kylie Padilla na anak naman  ng beteranong aktor na si Robin.


Bago mag ABS CBN, matagal na naging talent ng GMA si Aljur. 

Post a Comment

0 Comments